PRACTICE LANG?
written by Ella E. a.k.a. ilovedaydreaming
"Kylie..."
"Oh baket?"
"May sasabihin ako sa'yo."
Itinigil ko sandali ang pagbabasa ko at iniangat ang ulo ko upang tignan sya. Nakatingin lang siya ng seryoso sa'kin. Nag-isip ako sandali. Ano kaya ang sasabihin ng mokong na 'to?
Tsk. Alam ko na!
"Oo na! Alam ko na! I love you too, Owen." walang kaemo-emosyon kong sabi sa kanya at hindi ko na hinayaan pa siyang magsalita.
Tsk! Akala niya ha! Akala niya hindi ko alam! Akala niya maloloko na naman niya ako! No way! Not again...
Kilalang-kilala ko na siya. Alam na alam ko na ang mga trip niyan sa buhay.
Kunwari may sasabihin siya sa'kin na importanteng bagay tapos titignan niya ako ng seryoso na parang seryoso talaga siya kahit hindi naman. Tapos pag tinanong ko siya kung ano yung gusto niyang sabihin... he'll look directly into my eyes... and then, he will tell me those words that I'm longing to hear from him.
"I love you."
Tsk. Syempre, ako si uto-uto ay maniniwala sa kanya at sobra-sobra ang tuwang mararamdaman. Natural! Sino bang hindi matutuwa kung yung taong matagal mo ng mahal ay sasabihin na mahal ka rin? Di ba ang saya? Parang heaven ang feeling.
Pero pagkatapos...
babawiin niya ito...
"Practice lang! Ano? Okay ba? Pwede ko na bang ligawan yung babaeng gusto ko?"
Takte lang di ba?!
Practice lang?!
Wow ha! Okay lang naman na mag-practice eh. Sabi nga nila, “Practice makes perfect.” Pero pwede ba?! Pumili ka naman ng taong pagpa-praktisan mo ng pagsasabi ng linyang yan. Masakit eh! Akala ko tunay na... hindi naman pala. Tsk! Umasa na nga ako sa wala, nagmukha pa akong t*nga.
***
“Eeeeee! Kylie naman eh! Spoiler ka! Hayaan mo naman muna akong sabihin yung magic words. Nag-i love you too ka agad diyan, wala pa nga akong sinasabing I love you.”
“Tsk! Bakit pa? Eh alam ko na rin naman yung sunod mong sasabihin. Practice lang yun, di ba?!”
“Teka... galit ka?”
Hindi! Hindi ako galit! Sobrang saya ko nga eh. Alam mo yun? Sa sobrang saya ko parang gusto ko na ngang maiyak! Takte naman kasing buhay to eh! Bakit pa ba ako nagkagusto sa sobrang manhid na lalaking ito?!
Pero syempre, hindi ko sinabi yun sa kanya. Ano ako, t*nga? Edi lalo lang akong nagmukhang t*nga sa harap niya! Aish!
“No. Hindi ako galit. Sorry. I’m just... tired... I gotta go.” sabi ko na lang at nagtatakbo na ako palayo sa kanya.
***
Nang makauwi na ako sa bahay, dumeretso na ako sa kwarto ko. Gusto ko na matulog. Kaka-stress kasi si Owen. Lagi na lang akong pinagtritripan. Para sa kanya joke lang ang lahat. Di niya alam sobra-sobra na akong nasasaktan.
Ipinikit ko na ang mga mata ko. Pero kahit pikit na ako, mukha pa rin ni Owen ang nakikita ko. Haaay... Pano ba ako nagkagusto sa kanya? When I first met him, I never imagined I’d end up falling for him.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists