Chapter 8

21.5K 222 9
                                    


"Anak, can you buy some medicine for my headache?Here's the key to the car. ", sabi ni Dad.

"Dad, 'wag na malapit lang naman, maaga pa." Lumabas ako ng bahay, kulay orange ang langit, malapit nang dumilim kaya kailangan ko nang bilisan.

Tatlong tumbling lang naman pero may isang narrow road akong kailangang daanan na shortcut papunta sa Pharmacy. Medyo creepy pero okay lang.

Palakad na ako nang biglang may humila sa damit mula sa likod. Inilapit niya ang mukha niya sa batok ko.

"You can't mess with me.", sabi nung boses, mababa ito na may halong pagbabanta. Tinulak niya ako sa may pader, hindi ko makita 'yung mukha dahil naka facemask siya at naka cap. Nanginginig ang katawan ko at hindi ako makasigaw. Nasaan na 'yung self defense skills ko? Huminga ako ng malalim at sinubukan siya sipain. Naka isa ako sakanya sa tiyan at napaupo siya pero nakatayo din siya agad.

Lumabas ang tatlo pang lalaki sa gilid na may hawak na bakal. Shit.

"Sino kayo?" Hindi sila sumagot sa tanong ko. Sumenyas yung nasipa ko doon sa tatlo na lumapit sa akin. Tatakbo na sana ako nang may nabangga akong lalaki. Hindi ko makita ng malinaw yung mukha niya pero mga nasa 5'8 siya,may katamtamang katawan at may suot na black na bagpack.

"Tabi.", sabi niya sa akin. Lumayo ako ng kaunti at nagtago sa hindi nila makikita habang pinapanood ko kung paano niya bugbugin ng mag-isa 'yung tatlong lalaki habang nanunuod yung nasipa ko. Sino 'tong nga 'to? Natapos sila.

"Alis, bago ko kaya ipa-pulis.", sabi nung lalakeng tumulong sa akin samantalang naka tayo lang ng mahinahon yung nasipa ko.

"Bakit ka ba nangingialam dito Job?", tanong nung nasipa ko.

"Nananakit ka na."

"Tinatakot ko lang siya. Hindi ako mananakit, ikaw 'tong nambugbog ng mga tao natin."

"Babae 'yon."

"Mukha bang babae 'yon? Alam mo naman ginawa noon sa akin." Si Josh?! Sabi ko na eh! Irereport ko 'to, nilabas ko ang phone ko at hinanap ang camera para irecord. Akala mo ha. Itututok ko na sana nang nasa harap ko na pala siya. Nagulat ako at naibigasak ang phone ko, umupo siya para pulutin at i-abot sa akin.

"Ok ka lang miss?", tanong niya. Oo, nasa mga 5'8 nga siya, moreno pero matangos ang ilong, may maliit siyang scar sa taas ng kilay niya. Tumango ako. "May sugat ka."

"Ha?", sabi ko. Tinignan ko ang katawan ko pero wala akong nakita. May kinuha siya sa bagpack niya. May dala siyang first aid pouch. Hindi ako nagsalita at pinagmasdan siya.

Lumapit siya sa akin pero lumayo ako hanggang sa masandal ako uli sa pader. "Noo.", sabi niya. Hinawakan ko ang noo ko at mahapdi nga, oo nga pala nauntog ako kanina nung tinulak niya ako.

"Sino ka?", ngumiti siya. "Hindi mo rin ba sasabihin sa akin pangalan mo?"

"Job.", sabi niya habang nililinisan sugat ko. "Alam kong marami kang questions at gusto mong magreport sa pulis."

"You think? You scared the hell out of me.", sabi ko.

"You're one brave soul.", sabi niya. Hindi ako makapagsalita, natapos 'yon at ibabalik niya na sana yung pouch sa bag nang nakita kong may ID lace siya ng Malaya.

"Taga Malaya ka?"

"Oo." Aalis na sana siya.

"Si Josh 'yun diba? Member ka rin ba ng Wild Slayers? Eto ba 'yung sinasabi nilang underground activity niyo? Mga real life gangsters talaga kayo?", tanong ko.

"Oo. Oo. Hindi. Siguro?", sagot niya sa akin.

"What?"

"Oo, siya 'yon apparently you embarrassed him like no one ever did. That damaged his pride. Oo, slayer din ako. Hindi, walang kinalaman slayers dito, lahat ng nakita mo kanina, sariling immaturity ni Josh. Siguro, it's already the modern times and Gangsters can already be used as a subjective term. Kung gusto mo kaming tawaging gangsters, bahala ka."

"Why did you save me?"

"I didn't save you, I saved him." Hindi ako nagsalita. "Miss, I don't know what you are thinking right now nor what you are planning to do after this but I'm asking you to please rethink whatever that is and consider the consequences before you do rash decisions." Ngumiti uli siya at umalis na. That's basically him saying to shut up.

Naguguluhan ako. Pumunta ako sa pharmacy at binili ang gamot. Tumawag sa akin si Dad na nag-aalala. Sinabi ko nalang na may nakasalubong akong old friend sa daan at nag catch up kami. Tapos sa sugat, nauntog ako sa poste kaka text habang naglalakad. He bought it and made a long sermon. Hindi ko napansin kung gaano kahaba kasi nagrereplay lang sa utak ko 'yung nangyari kanina. Makikita ko kaya uli si Job?

Kinwento ko kay El ang nangyari.

"Wow. I had so much respect for that guy pero nananakit siya ng babae?!"

"I know, pero sabi ni Job hindi yun Slayers, may personal grudge lang si Josh sa akin dahil sa pagpapahiya ko sakanya."

"Unbelievable, yun ang rank 1?! I was expecting that he is way more cooler than that. So anong plan mo? Irereport mo ba sa school?"

"I don't have any evidence. Kung pupunta ako doon empty handed mukha lang ako tanga doon. I have to get something at huliin si Josh sa mga abusive deeds niya. I think the reason why walang evidence is because hindi sila nagpapahuli. Ibahin nila ako!"

"That's dangerous."

"Kahit na. Inis na ako eh."

"Just focus on studying Cass!", sabi ni El. "Don't make me worry, you know that I can't protect you, you're the skilled one.", sabi niya. Tumawa kami.

Hindi ko maalis sa isip ko 'yung nangyari kanina. How childish.

When she met Mr. Gangster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon