Chapter 12: Almost Like The Movies

487 19 17
                                    

CHAPTER 12

[Almost Like The Movies]

Naglalakad na ako papuntang school nung nakita ko yung madaming tao sa tapat ng school. Oo nga pala, hindi sila nagpapasok kapag Sabado. Tsk tsk, edi maghihintay nalang din kami doon.

Andito na kaya si Randel o Janelle?

"Oy Dianne!"

May tumawag sakin... Si Randel pala! Nasa gilid siya, kasama yung mga kaibigan niyang lalaki sa ibang section.

"Akala ko ba nagpapahintay ka?"

"Wala eh. Ikaw din naman pala ang hihintayin ko."

Ako din naman daw ang hihintayin niya. Wew, iba ang pumasok sa isip ko nung narinig ko yan ha. Hihihihihi. Grabe, ang malisyoso ko talagang babae... basta pagdating kay Randel! *smug*

Nung nagkaharap na kami ni Randel, grabe, parang pelikula lang! Alam mo yung may mga tao, tas lalabas siya doon, tapos maglalakad kami papunta sa isa't-isa na parang akala mo may background music nang nagpeplay? Naka-ngiti kayong dalawa nang sobra tapos may mga taong mag-aayiee sa inyo-

Owsheeeeet. May nag-ayiee saming dalawa nung nag-usap kami!!! Aba, buking na agad ako??? Eh halos nga mga hindi ko kakilala yung andun sa labas ng school, apat palang yung Calvin na andun. Sino naman yung mga 'yun? PATAY SILANG LAHAT SAKEN!! Joke lang.

Pagkatapos nun, tapos na ang eksena. Bumalik siya doon sa kinatatayuan niya kanina, tapos ako pumunta sa dalawang kaklase kong babae sa may tabi lang din nila.

Hinihintay nila si Kyle, tapos ako naman hinihintay namin si Janelle. Pa-VIP talaga yung babae na 'yun ha? Siya kaya yung nagsabi na pumunta ng maaga, pero siya yung wala??

"Dianne. Bakit di kayo magkasama ni Randel maghintay?"

"Hindi naman kailangan ah?"

Paghihinalaan na kaya ako nito? Parang iniintriga niya ako eh! -_______- Shemaaaay. Ayoko ng ginaganito ako. WALA AKONG CRUSH! WALAAAAAA!

Yun eh, sa paningin lang nila. ;)

"Ayan na yung hinihintay nyo."

Tumingin ako sa kalye papuntang school. Owsheeet, si Janelle na nga yun! Pwede bang umalis nalang siya ulit? Hahahaha! Mas masaya kasi kapag wala ka don. >:)

"Janelle, bakit ngayon ka lang??" -Randel

"Bakit, miss mo ko?"

>___________< Kapakshetan laaaaaang! Eto na nga ba yung sinasabi ko eh. Naiinis na ako kay Janelle ha... mas lalo ko nang nakikitang may balak siyang agawin si Randel my labbs sa akin! Este, mas lalo ko nang nakikitang may gusto din siya kay Randel!

"Hindi. Bakit kita mamimiss?"

BOOOOOOM! Pahiya ka 'teh, buti nga sa'yo!!!! Ang landi mo kasi eh.

"Aray naman, Randel!"

Ano ba yan! Mauuwi na nga talaga sa landian itong praktis namin. Nagpaalam na ako dun sa dalawa kong kasama kanina, at nilapitan ko na sila Randel at Janelle.

"Ui! Pwede bang pumunta na tayo kila Andrew? Hinihintay niya na tayo." -Dianne

OO, NAGSESELOS AKO! Atleast double purpose naman 'tong ginawa ko. Para hindi na sila maglandian pa, at para makapunta na rin kila Andrew! Gusto ko nang mapraktis agad 'to, mahirap kaya! Kahit nga ako, nahihirapan gawin yun.

Ayun nga, tama naman ginawa ko. Naglakad na kaming tatlo papunta doon sa sakayan. Si Randel nga lang, pansin ko, nakahiwalay samin ni Janelle. Pinagtyatyagaan ko lang naman si Janelle, dahil nga best friend siya ni Alora. LQ ba si Randel at Janelle? Bakit kasi kung makaasta sila sa isa't-isa eh, may something sa kanila? Tsk, wag ko na nga isipin 'yun.

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon