One Shot Story - Clueless

551 8 4
                                    

THIS IS IT. 

Kagabi pa ko naiihi sa kaba eh. Feeling ko sasabog na yung puso ko sa sobra sobrang tibok nito. Nagtataka kayo kung anong meron? Ito lang naman yung kauna unahang araw na mameemeet ko yung blockmates ko. Orientation kasi eh. Oo nga pala, incoming frosh ako. Woo, new people, new surroundings. Ang hirap mag-adjust. Kinakabahan talaga ko. :(

Nasa CR ako ngayon ng universityng papasukan ko. Hindi ko pa talaga kayang humarap sa kanila. Magggather muna ko ng lakas ng loob! Powder dito, pabango dun. Syempre dapat presentable pa rin ako kahit papano. Sino bang gustong maging wasted sa first day of meeting diba?

Lalabas na sana ako ng CR nang maramdaman kong nagvvibrate yung phone ko. Kinuha ko agad to palabas ng pocket ng pants ko at sinagot yung tumatawag. Si Nicka pala, bestfriend ko. Muntik ko nang mabitawan yung phone ko dahil sa lakas ng boses niya.

(ELAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY!)

"OA! Lalo mo kong pinapakaba eh!"

(So ano na?! Nameet mo na ba sila? May gwapo? Ano?! Bilis, kwento!)

"Hinay hinay lang sa tanong, okay? Papunta pa lang ako sa kanila. Chill. Mas lalo akong kinakabahan eh."

(Balitaan mo ko ha! Text me agad pag merong you know..) Nafeel kong nagssmug siya habang sinasabi yun.

"K, fine. Wala bang goodluck jan?!"

(Goodluck Laaay! Ayos poise ha! Bye labyu!)

Nagpakawala muna ko ng buntong hininga bago pumunta sa assembly. May assembly pa kasing nalalaman bago pumunta sa classroom. May classroom session something pa kasi. 

Wala namang nangyaring unusual. Hi hellos lang. Medyo kapaan pa. Awkward silence ba. Wala ring gwapo! Saklap ng life. 

Umakyat na kami papunta sa assigned classroom ng block namin at naghanap na ko ng mauupuan. Umupo ako sa may corner. Parang ang konti namin kasi may mga vacant seats pa. Nakinig lang ako sa dinidiscuss nung assigned person samin. Rules and regulations lang naman sinasabi. Jusme, inaantok ako. 

Pero nagising yung dugo ko nang bumukas yung pinto. Sino yung pumasok? Isang napakagwapong nilalang. Naaalala ko sa kanya yung crush ko nung high school! Grabe, ang gwapo. First crush ko to ngayong college! Asdfghjkl.

Nagulat ako nang lumalapit siya sa may side namin. Omg. Tatabihan niya ba ko. Please, please..

Pahiya ako. Dumaan lang pala sa side namin. Dun siya umupo sa other side ng room. At tumabi sa isang girl blockmate namin. Ouch haaa! Mukhang nagpapakilala na sila sa isa't isa. Sige, kayo na. :( Pero syempre nung dumaan siya tiningnan ko muna yung name tag niya, Ross pala. Ang gwapo ng pangalan. Bagay na bagay sa gwapong mukha.

Oh, gusto niyo bang malaman kung nag-usap kami sa whole day orientation na yun? Nako. MALAMANG!

MALAMANG HINDI! Ni isang salita nga wala. Kahit simpleng hi wala. </3

Nakasakay na ko ng bus pauwi nun nang mapansin kong nawawala yung ID ko. Teka.. san ko ba nilagay yun? *kamot ulo* Hindi ko maalala! Sa wallet ko lang naman inipit yun eh. Andito naman yung wallet ko. BV naman! Kailangan ko na namang magpagawa ulit. Hassle!! Sana naman may magbalik nun.

*FAST- FORWARD*

Ang bilis ng araw. Parang kailan lang nag-orientation kami, ngayon pasukan na! Hulaan niyo kung anong ginawa ko after nun. Syempre alam na, stalker mode! Tiningnan ko facebook niya. Buti naman hindi nakaprivate yung tagged photos! Nagsave lang ako ng onting pictures. Hihi. Tiningnan ko rin twitter niya kaso nakaprivate. Pero wag kayo, di ko siya inadd or finollow ha. Gusto ko kasi siya yung gumawa nun balang araw. :p 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot Story - CluelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon