Zoe's POV

Nakakainis! Nakakainis talaga! Bakit kailangan pa nilang magpanggap na sila ay nasa student council at pagsayawin pa kami? At saka bakit ganun yung mga estudyante dito? Parang may mali talaga sa school na 'to. We need to figure it out.

"Ready girls?" tanong ni Yannie. Nasa may harap na kasi kami ng pinto ng room. Tumango naman kami.

"Sandali lang. Remember to act natural. Hindi natin kunyari alam na naloko tayo nung apat na lalaki. Wala tayong gagawin. Hindi tayo makikipag-away na away talaga except na lang kung kailangan na. Okay?" bilin samin ni Ayu.

"Okay." sabi naming tatlo at tuluyan ng pumasok ng room.

Wala pa ang teacher dun. Pero pagpasok namin nakatahimik lang ang girls pero nanggugulo ng sobra yung boys. May nagbabatuhan pa ng papel at tumatama na ang iba sa mga babae pero mga di naman nagsosorry ang mga lalaki. At saka kakaiba pa ang seating arrangement. Magkakasama sa left side ang boys at nasa right side naman ang girls.

Dirediretsyo lang kami at inoccupy namin ang seats sa likod. Ayun na lang kasi ang bakante. Sa kasamaang palad, katapat namin yung apat na lalaki kanina. Nabwibwisit talaga ako sa kanila. Pero kailangan kong magtimpi sa ngayon.

Lumapit sa amin yung isang lalaki. Yung Josh ata yun?

"So you finally got your IDs huh?"

 

 

"State the obvious." bulong ni Sab. Siniko tuloy siya ni Yannie. Keep cool.

"Ano yun?" tanong nung Josh.

"Oo nga kako. Kailangan na namin kasi to e. Baka mapagsayaw niyo ulit kami. Mahirap na. Mukha pa naman kayong striktong mga nasa STUDENT COUNCIL." sarkastikong sabi ni Sab. Mukha namang di nahalata nung Josh yun.

Magsasalita pa sana yung Josh pero dumating bigla yung teacher.

"Good morning class." bati nung teacher.

"Good morning ma'am." puno ng energy na pagkakasabi nung boys at malatang bati naman nung girls.