Chapter 40

680 88 7
                                    

Venice POV

Sabi nila, there's a rainbow daw after the rain. Pero sa isang tulad ko, there's a rain again after the last drop of it. Mabait naman ako pero bakit lagi na lang akong bigo?

I'm almost perfect. Wala naman akong tinatapakang tao. Isa akong mapagmahal na kaibigan, mapagmahal na anak sa mga magulang ko, masunurin, tapat kung magmahal, maloko nga lang. Haha. Pero kung kikilalanin mo akong mabuti, talagang mabait ako at magkakasundo tayo. Promise yan! Haha.

Mapagkakatiwalaan din ako pagdating sa sikreto. Sikreto nga ng buhay ni Myche... I mean Dayle (kasi si Bryce na daw ang tumatawag sa kanya ng Myche kaya pinagbawalan niya ako. Ang arte lang eh. Ay balik na nga sa sinasabi ko), alam ko eh. Pero hindi ko sasabihin. Pilitin niyo muna ako! Hahahahaha

Miss me? Aba! Dapat lang. Whahehehehehe. Namiss ko rin kayo eh. Fair lang...

Sa pag-alis ko noon sa lugar na to ay hinanda ko ang sarili kong kalimutan lahat ng masasakit na nangyari sa buhay ko. Ang tanging baon kong alaala ay yung mga masasayang bagay lang na kasama ko ang Bestfriend kong si Dayle. The rest? Wala! Erase. Delete. Remove. Clear... Tapon sa recycle bin.

Why? Kasi nasaktan ako. Mahirap bang intindihin yun? Hindi ako bitter. Nasaktan lang ako kaya ako ganito.

Pero nagkamali ako. Hindi pala basta basta ang paglimot. Mahirap makalimot lalo na kapag nasaktan ka.

Tinuon ko ang buong oras ko sa pag-aaral. Nag-aral lang ako ng mabuti para kahit papaano ay mawala sa isipan ko si Sean. Yung ex ko. Alam ko ang iniisip niyo.

Oo, almost 2 weeks lang din naman ang tinagal ng aming relasyon pero kung makapagmove on ako, ang tagal eh.

Oo, 2 weeks lang naging kami. Pero yung pinagsamahan namin, yung panliligaw niya sa akin, umabot kaya yun ng isang taon. Kaya nga sabi ko sa inyo, ang hirap eh. Huhuhuhuhu. Kaya nga nung umuwi ako dito, magtatatlong taon na ang nakalipas ay sinagot ko na siya.

Tapos ipagpapalit lang pala ako sa ex niya? Imba dre!


Nga pala, nagtext si Bessie sa akin kanina. Basahin ko lang ah...


From: Cutie Bes

Mag-iingat ka Bessie! Namimiss na kita! Hindi man lang tayo nagkita sa loob ng dalawang taon. Hanep yan! Hahahahaha. Ako ba namiss mo? Hmp. Hindi ka nga nagpaparamdam eh. Psh... I miss you! Wala na akong everything and everything and everything... Wala na ang other half ko. Nakalimutan mo na ata ako eh. Huhuhuhu... Umuwi ka agad please... I Love You! God bless.


Ang sweet talaga ng Bestfriend ko di ba? Yikee! Maswerte pa rin ako kahit iniwan ako ng ex ko. Nakakatawa nga eh. Nagtangka pa akong magpakamatay dahil sa kanya. Akala ko kakaawaan niya ako at babalik siya sa akin... Yun pala tuluyan pa siyang mawawala. Lol. Ang laki kong tanga.

Eh? Bakit ko pa ba tinatopic ang issue about dyan sa ex kong walang kwenta? I must move on. Marami pa namang iba dyan di ba?


Sabi nga ni Popoy ng One More Chance, "Baka kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin, kasi baka merong bagong darating na mas OKAY, na mas mamahalin tayo, yung taong hindi tayo sasaktan at paaasahin, yung nag-iisang taong magtatama ng mali sa buhay natin, nang lahat ng mali sa buhay mo," oh di ba? Memorize ko ang linyang yan no! Ang ganda kaya ng movie na yun. The best talaga ever.

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon