Chapter 33 part 2

361K 3.2K 244
                                    

A/N

Enjoy reading :) 

Hindi namalayan ng dalawa na narinig ni Gabriel ang iba nilang usapan.

Tumikhim si Gabriel.

Halos hindi makagalaw si Althea sa kinauupuan.

“I think I have to go.” Sabay kindat ni Emily sa kaibigan.

“Talk to your wife Gabriel, maraming sasabihin yan.” Bilin pa nito kay Gabriel bago tuluyang lumabas.

Lalo namang kinabahan si Gabriel. Ang kinatatakot nya ay baka may iba ng mahal ang asawa.

Nasa isip pa lamang nya ito ay parang hindi na nya kakayanin.

Alanganin syang lumapit kay Althea.

Umupo sya sa tabi nito. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” nag-alala nyang tanong.

“Feeling better now.” Nginitian sya ni Althea.

“Gusto mo bang mag breakfast na? ipaghahanda kita.” Pilit na iniiwasan ni Althea ang mapag-usapan ang kalagayan nya.

Ginagap ni Gabriel ang dalawang kamay ng asawa.

“Sabi ni Emily may sasabihin ka sa akin.” Hindi nito binibitawan ang mga kamay ni Althea.

Huminga ng malalim si Althea.

Wala na syang magagawa, kailangan ng malaman ni Gabriel ang katotohanan.

“Gab I’m sorry.’ Simula ni Althea, sabay tulo ng kanyang mga luha.

Lalo namang kinabahan si Gabriel. Niyakap nya ito ng mahigpit.

“From now on I don’t want to see you crying sweetheart.” Pang-aalo nya rito.

Pilit na kumalas sa pagkakayakap si Althea.

Tiningnan nya ng tuwid sa mga mata ang asawa.

“G-gab I’m- I’m pregnant.” Sabay pikit ng kanyang mga mata. Natatakot syang makita ang magiging reaksiyon ng asawa.

Pagkarinig ni Gabriel sa sinabi ni Althea ay bigla na naman nya itong niyakap ng mahigpit.

“Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?” bulong nya sa asawa.

Naluha na naman si Althea sa nakitang response ni Gabriel.

Nang bitawan sya ni Gabriel ay muli namang nagsalita si Althea.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon