Chapter 15: His Condition and intention

1M 19.2K 1.3K
                                    

A/N: Enjoy reading guys :)))



==========================



(Violet's P.O.V)


"So kilala na pala ng magandang inaanak ko ang kanyang napaka gwapong daddy ha?", tanong naman sa akin ni Breth habang nakatingin sa anak kong naka-upo sa tabi ko na sobrang concentrated sa pagkain niya.


Naririto kami ngayon sa isang Chinese Restaurant. Libre kami ni Breth. Ito daw ang celebration namin for the second life God has given to his inaanak. Nasa Paris kasi si Breth nung naaksidente si baby Kaye kaya hindi siya nakabisita.


"Yes...", sagot ko naman sa tanong ni Breth.

"O e bakit parang malungkot ka diyan? Don't tell me natatakot ka pa rin sa pwedeng gawin ni Kyle.", tanong naman niya sa akin.


"I can't help it Breth. Lalo na't alam na niya ang tungkol sa anak namin. I'm really scared at hindi ko mapigilan ang sarili kong matakot."

Kahit masaya na ako ngayon at nakahinga ng maluwag dahil hindi ko na kailangang itago pa si Kaylee, mas lalo namang tumindi ang takot ko... lalo na sa maaaring gawin ni Kyle.


Hinawakan naman ni Breth ang kamay ko then he smiled at me.


"Ikaw ang nanay ni baby Kaylee kaya wala siyang karapatan na kunin ang anak niyo sa'yo kahit sabihin nating siya ang ama. Ikaw ang nag-alaga sa anak niyo at nagpalaki sa kanya nung mga panahong hiwalay kayo. At siyempre, hindi ko rin hahayaang kunin ang inaanak ko sa'yo...", Breth said.


Nginitian ko naman si Breth.


"Thanks Breth..."

"You're welcome hon. O siya, tama na ang drama. Kain na tayo, tignan mo nga yang anak mo... ang cute cute.", Breth said.


Natatawa naman kami ni Breth habang nakatingin sa anak kong naka-pout ngayon at parang malapit ng mawalan ng pasensya. Kanina pa niya kasi pinipilit kunin yung meat gamit ang chopsticks niya pero hindi niya makuha-kuha. At sa huli, sumuko na rin siya at ginamit na lang yung fork.


Natawa na kami ng tuluyan ni Breth.






(Kyle's P.O.V)

Masama naman ang pagkakatingin ko ngayon sa dalawang taong naka-upo sa isang table na nasa hindi kalayuan mula sa kinaroroonan ko. Naririto ako ngayon sa isang Chinese Restaurant at may mga kasama akong mga Chinese Businessman.


Napadiin naman ang pagkakahawak ko sa tinidor nang makita kong hinawakan nung lalaki ang kamay ni Violet. If I'm not mistaken, he's also the same guy from the bar.

The Billionaire's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon