Chapter 5

23K 243 2
                                    

Cassie's POV

Dahil magkaiba kami ng course, hindi na kami masyadong magkikita ni El. Sigurado ako, magkakaroon na din siya ng new friends doon. Oh well, kailangan ko rin namang maghanap ng new friends ko.

"Hi miss, ang ganda mo!", sabi nung isang boses. Akala ko wala nang catcalling sa college. Hindi ko inasahang meron pa pala. Tinignan ko sila ng masama hanggang sa may nabangga akong matigas na bagay.

"Aray!", sigaw ko. Hindi ko namalayang hagdan na pala 'yung susunod kong step at nadulas ako.
Buti nalang walang tao, sa may bandang baba lang pero nakita nila akong nakaupo sa may staircase.

"Miss, madumi diyan, 'wag kang umupo diyan.", sabi nung naka red na mukhang senior na ata.

"May pinupulot lang po ako.", sabi ko na may awkward smile. Nginitian niya ako ng weird smile.

"Nakita ko 'yon.", sabi ng isang boses ng lalake. Tinawanan ako nung lalakeng naka salamin.

"Ang alin?", sabi ko sabay masahe sa legs ko.

"Nako, nakita ko no, nalaglag ka sa hagdan.."

"Ganun, tapos pagtatawanan mo ako?"

"Sige na tumayo ka na.", tinulungan niya akong tumayo. Ouch ang sakit sa pwet ko.

"Ako pala si Zed", sabi nung lalaki.

"Hello Zed, ako si Cassie. Cass for short, 1st year ka din ba?"

"Yup, nursing, ikaw?"

"Nursing din, what a coincidence."

"Patingin nga ng schedule mo?", pinakita ko ang schedule form ko at kinumpara niya sa kanya.

"Uy, magkasama tayo sa most of the subjects natin oh! "

"Oo nga no, tara na sa first class? " At ganoon kadali, nagkaroon ako ng unang kaibigan. Pumasok na kami sa first subject namin, medyo boring pero ok lang naman. Ganito pala sa college pero masaya naman daw eh. Puro minor palang kami at may isang major ngayong first sem.

Next subject na, pero hindi ko kasama si Zed. Kailangan ko pang pumunta sa next class ko, napadaan ako sa may malapit din sa hagdan. Nakita ko si manong Janitor, medyo matanda na siya na may dinidikit sa may pader kaso kailangang umakyat sa upuan.

'Yung mga bwisit na padaan daan lang, di man lang tulungan si manong. Dali-dali akong pumunta sakanya at nag alok ng tulong.

"Manong, tulungan ko na po kayo."

"Salamat iha, hindi ko na rin kasi maabot eh."

"Sige po, ako na po." Umakyat ako sa upuan, parang hindi pa ito matibay. Hinawakan ni manong 'yung upuan para medyo stable. Malapit na sana akong matapos pero may mga nagtatakbuhan sa hallway, ano 'to Highschool?

Shet, malalaglag na ako! Mauuntog na sana ulit yung pwet ko nang naistretch ko ang kamay ko sa isang matigas na bagay. Tao. Nabigla kaming dalawa. Naka patong 'yung kamay ko sa magkabilang balikat niya at naihawak niya naman sa baywang ko 'yung kamay niya dahil sa pagkabigla. Literal na nakasandal ako sakanya habang 'yung paa ko nakapatong pa rin sa dulo ng upuan. Familiar ang mukha niya.

Nginitian ko siya ng awkward at humingi ng pasensya pero tinaasan niya lang ako ng kilay at inalis ang pagkakahawak niya sa baywang ko at 'yung mga kamay ko sa balikat niya.

Buti nalang nakatalon ako kaagad sa sahig bago pa ako ma out balance ulit.

"Aray! Ano ba!", hindi siya nagsalita at nilagpasan niya ako kasama ng mga kabarkada niyang mukhang adik. Binigyan niya ako ng creepy na ngiti.

When she met Mr. Gangster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon