Chapter 11: Not enough

3.1K 50 9
                                    

Chapter 11 (Not enough)

“What the heck, Skyla Hailey?!” Tumayo ako at inirapan si Dana.

“I’m not in the mood, Dana Antonia. So please…”

“What?! C’mon, Hailey. One day lang. Para sa’yo din to. Please.”

“We’re just friends, for goodness’ sake!”

“Pero higit pa don yung gusto ni Kuya, sinabi ko lang naman na samahan ka sa mall sa Friday para bumili ng gagamitin mo sa birthday mo. Bawal ako diba? Hindi kita masasamahan.”

Umirap ulit ako sa kanya bago umupo sa tabi ng window ng room. Sumandal ako don at pumikit. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kay Dana. Hindi naman siya ganito dati eh. Bakit ngayon pinipilit niya kami ni kuya Dino? Oh, dear! Magkaibigan lang kami. Argh!

Tinext ko siya kagabi pagkauwi ko na samahan ako sa Friday para bumili ng gagamitin ko para sa birthday ko. Iyon kasi ang bungad sa’kin ni lola. Pinipilit niya kong mag-mall para don. Binaling ko ang isip ko sa ibang bagay kaya natext ko si Dana ng ganoon. Gumugulo kasi sa’kin ang pag-aaway namin ni Royce sa Leaf Grand. Pinikit ko ng mas madiin ang mata ko. What the hell? Ako pa ang may kasalanan?

**

“Na’san si Harley?” Tanong niya sa mababang boses.

“S-sa court.”

Nilibot ko ang paningin ko sa buong Leaf Grand Village. Halatang puro mayayaman nga ang nakatira dito. Buhay na buhay kahit gabi na. Nakakalula ang dami ng ilaw sa paligid. Dahil busy ako sa pagtingin, hindi ko namalayan na may humps pala kaming dadaanan. Dahilan para matipalok ako.

“Hailey!”

Naagapan niya naman bago ako tuluyang humalik sa lupa. Oh, geez.

“Tumingin ka nga sa nilalakaran mo.”

“S-sorry…”

Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Bigla siyang lumiko sa left kaya sumunod nalang ako. Di naman nagtagal, nakita ko agad ang napakalaki nilang open court. Nakita ko ang kapatid ko na busy pa rin sa paglalaro ng basketball. Nakahinga naman ako ng maluwag. At least, safe ang kapatid ko. Thank, God.

“Harley!” Tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa’kin bago lumapit. Pawis na pawis siya. “Walang hiya kang bata ka!”

Susugurin ko sana siya kaya lang mabilis akong nahawakan sa bewang ni Royce para mapigilan.

“Bakit nagwawala ka, ate?” Takang tanong ni Harley. “Magkasama kayo ni Kuya Royce?”

Mabilis akong nakawala sa hawak ni Royce. Nilapitan ko agad si Harley at binatukan.

“Kung saan saan ka nakakarating! Umuwi ka na!” Hahampasin ko sana ulit siya kaya lang mabilis siyang nakalayo.

“Nagyaya lang yung kaklase ko dito.” Sabi niya habang lumalayo. “Oo na, uuwi na.” Mabilis siyang tumakbo para magpaalam sa mga kaibigan niya.

Huminga ako ng malalim bago naglakad na ulit paalis. Sa gate ko nalang hihintayin si Harley. Nilagpasan ko si Royce na kanina pa ko tinitignan.

Ihahatid ko na kayo, Hailey.” Narinig kong sabi niya. Sinusundan na naman niya ko. Hindi ko siya pinansin. “Hailey, please.”

Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Parang pagod na pagod siyang tumingin sa’kin.

“Please…”

“Kaya na namin ng kapatid ko. Wag ka nang mag-alala—”

“Damn it, Skyla Hailey! Wag mag-alala? Sa tingin mo ba magagawa kong hindi mag-alala?! Gustung-gusto kong bumalik sa labas at bugbugin ang mga lalaking bumastos sa’yo! Hindi ko alam kung pano pakakalmahin ang sarili ko nang makita kitang takot na takot! I want you safe, Hailey. So please, hayaan mong ihatid ko na kayo ni Harley. Dun lang ako mapapanatag.”

“No need. Malapit lang ang subdivision namin—”

“HAILEY!”

“Wag mo kong sigawan! Umalis ka na, kaya na namin ni Harley. Thank you.”

Tumalikod siya. Narinig ko pa siyang nagmura bago malakas na binato ang bolang hawak niya. Tumama yon sa pader at gumulong sa damuhan.

“Why do you keep pushing me away, Hailey?” Galit siyang tumingin sa’kin. Dumaan ang lungkot sa mata niya. I stepped back. Hindi ko kayang tignan siya ng ganito. Dati kapag nagseselos siya, ganito ang itsura niya. I just can’t take it.

“K-Kaya na namin ni Harley… h-hindi mo na kami kelangang ihatid. Hindi na naman tayo, diba? So wag nalang natin pakialaman ang isa’t isa.”

“Hindi na tayo?” Huminga siya ng malalim at umiwas ng tingin sa’kin. Pumikit siya. “I don’t fcking need that thing! Why don’t you just accept that I care about you too much?!”

“I-I don’t need your care—”

“You really know how to break my heart, Hailey.” Kumabog na naman ang puso ko. Me? Breaking his heart? No, Royce. You were the one who broke my heart so do not blame it on me! Umiling nalang ako bago naglakad ulit palayo. Hindi pa ko handa. Ayokong pag-usapan ang nakaraan.

“Let’s just stop this, okay?” Sabi ko habang dahan dahang lumalayo sa kanya. “Isipin nalang natin na hindi tayo magkakilala. Iwasan natin ang isa’t isa.”

“Iyon ba ang gusto mo, Hailey?” Mahina niyang sabi. Huminga ako ng malalim bago muling tumingin sa kanya at tumango. Yes. That’s what I want. “Alright, then.”

Sumikip ang dibdib ko. Tutol ang buong pagkatao ko. Pero ayoko na eh. Kung ipagpapatuloy ko pa to lalo lang akong masasaktan. Dapat tanggapin ko nalang na hindi kami para sa isa’t isa. Isa lang ang ibig sabihin nito. Mahal ko pa rin siya. Hindi ko na kayang itanggi yon.

“Can I atleast ask a question before giving you what you want?”

Bakit pakiramdam ko nasasaktan din siya? Nasasaktan ba siya dahil gusto kong hindi nalang kami magkalapit? Gusto kong lumayo sa kanya. Dahan dahan akong tumango. Lalong nadurog ang puso ko sa mga sinabi niya. Wala akong maintindihan… kasalanan ko ba?

“Why did you choose them over me? Am I not enough for you?”

**

Dapat kahapon pa 'to. Medyo engot lang ang connection. >:) Mamaya ulit kapag nakauwi ako ng maaga. :D

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon