Chapter 15

32.1K 665 42
                                    

Chapter 15

Don't Call Me That!

Packing for the training camp was harder than I thought. I don't have a single idea what to bring as a manager. If I'm going there for a vacation, it will be a lot easier. But I'm going there as the basketball team's manager. What can I bring that will help them through their training?

Kinuha ko ang aking cellphone para mag-search. Ang mga lumabas lang ay toiletries, first aid kits, salonpas, at extra snacks. Kung ito lang naman ay puwedeng-puwede ko itong bilhin.

Bukas na ang training camp kaya kailangan ko nang bumili ngayon. I grabbed my wallet and went out. Tamara, Yvonne and Jelyn went out with their suitors. Mukhang nagtuloy-tuloy ang progress nina Erzo, Rex at Zen. Wala naman akong problema roon basta ʼwag lang nilang sasaktan ang mga kaibigan ko dahil doon ko sila hindi mapapatawad. They're like sisters to me.

"Oh? Mabebs!"

Napatingin ako sa tumawag sa ʼkin. I saw Adam walking with Gio. They were wearing casual clothes.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Adam.

"May bibilhin lang ako para bukas."

Nagliwanag ang kaniyang mukha at siniko si Gio. "Nice timing! Nagpapasama sa ʼkin si Gio na bumili ng mga dadalhin din niya bukas. Bakit hindi na lang kayong dalawa ang magsama?"

Kumunot ang noo ni Gio habang nakatingin kay Adam. "The fuck, dude?" Hinawakan niya ang ulo ni Adam at pinanggigilan ito. "I dragged you with me for a reason."

Napangiwi si Adam habang pinipilit alisin ang kamay ni Gio sa kaniyang ulo. "Wala ka lang makasama kaya pati akoʼy binulabog mo!" sigaw niya. "May date ako mamaya!"

"Let's go, idiot." He dragged Adam by the back of his shirt.

Nakatakas si Adam mula sa pagkakahawak ni Gio. Tumakbo siya patungo sa ʼkin at tumago sa ʼking likod.

"Si Mabebs na lang ang isama mo!" Tinulak niya ako nang mahina sa likod. "Ciao!"

Bago pa ako maka-react ay nakatakbo na paalis si Adam. Naiwan kaming dalawa ni Gio na nakatayo sa tapat ng aking dorm.

"That piece of—" Hindi na niya itinuloy ang kaniyang pagmumura. Humarap siya sa ʼkin. "Where are you going?" Iniikot niya ang susi sa kaniyang daliri.

"Sa grocery store lang atsaka sa pharmacy," sagot ko. Sumunod ako sa kaniya nang lumakad siya patungo sa kotse niyang naka-park.

Nang makarating kami sa kotse niya ay ʼagad siyang sumakay. Bubuksan ko na sana ang pinto sa passenger seat ngunit naka-lock ito. Kumunot ang aking noo. Kinatok ko ang bintana ngunit hindi pa rin niya ako pinagbubuksan. Pinaandar na niya ang makina ngunit naka-lock pa rin ang pinto hanggang sa tuluyan na niyang pinaandar ang kotse.

Naiwan akong nakanganga at nakatulala sa parking lot. Unti-unting uminit ang aking pisngi sa kahihiyan. Buong akala ko'y pasasabayin niya ako sa kaniyang kotse. Siguro'y sa pagkakataong ʼto ay nakangisi siya na parang nang-aasar pa.

Kapag naabutan ko siya mamaya sa grocery store, lagot siya sa ʼkin!

Kapag naabutan ko siya mamaya sa grocery store, lagot siya sa ʼkin!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Love Me, Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon