Previous Page of 5Next Page

My Neighbor Is My Boyfriend

spinner.gif

☻♥♦♣♠◘◙♪♫♪☻♥♦♣♠◘◙♪♫♪☻♥♦♣♠◘◙♪♫♪☻♥♦♣♠◘◙♪♫♪

M Y♦N E I G H B O R♣ I S♦ M Y♣MY♥B O Y F R I E N D

(To my crush, who doesn’t know I have a crush on him.)

☻♥♦♣♠◘◙♪♫♪☻♥♦♣♠◘◙♪♫♪☻♥♦♣♠◘◙♪♫♪☻♥♦♣♠◘◙♪♫♪



Nakatira ako sa Korea. Alam niyo kung bakit pa sa Korea, kundi hindi sa Pilipinas? Kasi doon ako nag-aaral eh. Third year high school na ako. Labing-limang taong gulang na. Matagal na ako sa Korea. Sanay na ako sa mga lugar na kahit saan ako pupunta. Ang lahi ko, half Filipina-Korean. Si Mama kasi eh, pareho kaming lahi eh, si papa naman Korean. Pero may bahay din naman si mama sa Korea. Kaya doon sila nagkakilala ni papa.

Unang-una, nahirapan akong magsalita ng KOREAN. Lalo na ang handwriting, hindi lang word na sinasabi. Nakapagtataka nga yung mga letra eh, o symbol. Pero ngayon natuto na ako. Natuto na rin ako sa mga symbol.

Sa bahay pa lang ako, kasi wala pa naman klase eh, bukas pa ang pasok. Lumabas ako at namamahinga sa balcony. Naks, napakasarap ng hangin. Music mode muna ah.

♪♫♪ Lalalalalaaaa…. ♪♫♪

Boring kasi, di ba? Wala pa naman akong ginagawa sa bahay.

Habang nagpapahinga ako at nag-eearphone, nakita kong may magpamilya na nagmove-on ng bahay mula sa unahan namin. Yung bahay kasi sa una namin eh, For Sale. Wala na’ng nakatira du’n dahil namatay yung asawa ng pamilya, kaya nagpasya na lang nilang ibili ang bahay. Sa Pilipinas daw nais na lang tumira ang ina at mga anak, kasi wala na ang ama. Yumao raw.

Ngayon naman, Tatlo lamang silang magpamilya. Isang lalaki yung anak ng mag-asawa. Siguro kasing-edad ko. Pinalabas nila ang kanilang mga gamit at binuhat ang mga gamit sa loob para mag-ayos.

Maya-maya, tinanong ako ni Mama.

“Anne, sino yun?”

Ibig sabihin kung sino daw yung mga magpamilya na nagmo-move on lang kanina sa unahan namin.

“Di ko alam ma, try mo silang kausapin.”

“O sige. Siguro mamaya na lang kasi nag-aayos pa sila.”

Naintindihan ko naman. Umalis na si mama. Patuloy pa rin ako sa pamamahinga at pagso-sound trip. Nakatingin lang ako sa kanila. Parang naawa ako dahil tatlo lamang sila, at nakikita ko pa ang pagod nila sa pag-aayos. Balik-balik pa silang kumuha ng mga gamit sa labas at saka naman ilagay sa loob. Parang out-in-out-in. Parang gusto ko namang tulungan sila. Sinubukan ko naman.

Agad na naman akong pumunta sa kanila. Parang medyo nanerbyos ako. Ewan ko. Kasi nahihiya ako eh. Mahiyain ako, pero matulungin naman. Ngunit, siyempre bago pa lang sila dito eh, at saka hindi pa kami magkakilala. Lumapit ako.

“Hello. Ako po si Anne. Gusto ko ngang tumulong sa inyo.”

Tinanggal ko earphone ko. Masaya naman sila. Nerbyos naman ako. Parang na-out-of-mind na yata kung ano ba sasabihin ko, o sundin ko na lang ba utos nila,.

“Ah.Ako si Mrs. Maribel. Eto asawa ko si Mr. Darion. Eto naman anak ko si Mike.”

Aba! Ang gwapo naman ni Mike! Maputi siya. Matangkad. Astig naman hairstyle niya, pero bagay naman sa kanya. Natulala ba ako? Dahil ba sa kagwapuhan niya? Ngayon lang ako nakakita ng gwapo! Lalo pang bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Parang mabaliw na yata ako sa kagwapuhan niya! Parang hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Ngumiti lang si Mike sa akin at ibinalik ko rin ang ngiti ko. Ganda pa ng mata niya, saka ilong niya. Perpekto pa ang kanyang bibig! Owmaygosh!

“Hi.”

Sabi ko lang kay Mike. Nagpa-Hi lang ng Hi. Mahilig kasi akong magpa-Hi sa mga tao eh, kilala ko man o hindi, kaklase ko man o hindi. Bumalik na sila sa loob ng bahay.Kinuha ko lang ang ibang gamit sa van nila at saka inilagay sa loob ng bahay. Sila na lang bahala kung saan nila yun ilalagay sa loob ng bahay nila.

Nakita ko ang isang cute na teddy bear, malaki pa. Ang cute cute talaga! Kinuha ko yun, mga dalawa, mga tatlong teddy bear. Niyakapan ko pa. Maya-maya, umabot si Mike. Siyempre may kunin siya.

“Mike, ilang taon ka na ba?”

“15 pa lang. Ikaw?”

Bwahaha! 15 din siya! Magkasing-edad kami. HAHA.

“Magkasing-edad kita. By the way, bakit dito kayo tumira?”

“Eh kasi dito ako ni mama at ni papa papaaralin eh.”

Ah, kaya pala. Oh! Wait! Baka magclassmate kaya kami? Huwag naman! Hindi ‘to dapat mangyari. Na baka magclassmate kami. Sana hindi….

Previous Page of 5Next Page

Comments & Reviews

Login or Facebook Sign in with Twitter
library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended