Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter 4: Avada Kedavra

355K 7K 1.7K
                                    

Chapter 4
Avada Kedavra


Hindi ako nakatulog habang pasan ako ni Percy, pero ramdam ko na talaga ang epekto sa akin ng alak. Para bang dumoble lahat ng tao. Nagkaroon ng instant twins lahat! Pati mga paa ko, naging apat na sila. Umaalon din ang lupang nilalakaran ni Percy at parang bumabaliktad ang mundo.

This feeling is so freaking weird.

But it feels so good, too. Wala pa kaming ilang oras na magkakilala pero daig na niya ang mga tao sa mundong ginagalawan ko araw-araw. He's intimidating at first, pero once na nakuha niya na ang loob mo, he'll make sure na mage-enjoy ka sa company niya.

So do other rapists and axe-murderers.

Pero hindi. Ramdam ko na iba siya. He has this aura na hindi ko ma-explain. Parang I'm drawn to him? I think I'm actually hooked on him.

No. That can't be. Even in my inebriated state, I know this 'clean fun' is a one-time thing.

I sigh. "Can I keep you?" I slur at his right ear.

"Casper," he says as he adjusts me on his back. "Why would you want to keep me?" he asks when I stop squirming on his back.

"I don't know," I answer truthfully then snuggle in his neck. "Anong pabango mo, Percy?" I ask while sniffing it. He shivers but doesn't answer.

Tahimik kaming dalawa hanggang makarating kami sa The Ledge. Hindi kami dumiretso sa front entrance. Instead, sa likuran kami pumasok. It seems like kabisado niya ang The Ledge. Mukhang regular siya dito dahil marami siyang nakakasalubong na bumabati sa kanya. Hindi ko na lang sila tinignan at ibinaon na lang mukha ko sa leeg niya.

"Hey, Cindy. Hand me the first aid kit, please?" he asks someone before he enters a room. He pats my legs and points at the sofa. Bumaba ako at umupo doon. May kumatok at pumasok. Ito yata 'yong Cindy. May dala kasi siyang first aid kit at inabot niya iyon kay Percy.

"Do you need anything else, Sir Riv—" She is interrupted when Percy dismisses her with a wave.

"We're good. Thanks," he answers without looking. Taray. Percy sits on his haunches then opens the kit. "I'm gonna clean your wounds."

"Lalagyan mo ng Agua Oxigenada 'yong tuhod ko?" I ask, eyes wide. Shit! Mahapdi 'yon! The last time na natikman ko 'yong hapdi n'on ay noong nilinis ni mama iyong sugat na gawa ng pinsan ko. Paano, matindi pa sa bulldog at kinagat 'yong braso ko for no reason!

He chuckles when he sees my horrified expression. "Yup." Kinuha na niya ang bote nito at binuksan. Pinatakan niya ang sugat ko sa tuhod. I hiss. "Sorry, babe," he says but doesn't stop. Pinatakan niya rin ang mga sugat ko sa palad at kung saan-saan pa. Binalingan niya ulit ang tuhod ko at nilagyan ng Betadine. Nilagyan niya rin ng gasa ang sugat ko.

Ang pangit tignan. Nakaporma nga ako tapos puro gasa naman. Yuck. Pinagmasdan ko siya. Nagiging dalawa pa rin siya sa paningin ko habang pinapanood siyang magligpit ng first aid kit.

"Thank you," I say to him. Itinaas niya ang nakayukong ulo niya at tumingin sa 'kin. "Thank you sa paglinis sa mga sugat ko. Pasensya na rin at naputol ang 'clean fun' natin," I say, pouting.

"No need to apologize. I had fun, too." Tumayo na siya at inilagay sa isang table ang first aid kit. Napalingon ako sa paligid. Ngayon ko lang napansin na parang opisina pala itong kwarto na ito. Hindi dinig dito ang ingay ng malakas na tugtog sa labas. Ano bang ginagawa namin dito? Hindi ba kami pagagalitan dahil nandito kami?

Bumalik sa harapan ko si Percy. Naglahad siya ng kamay sa harap ko. "C'mon, I think you need to get back to your friends," sabi niya habang nakangiti. Bahagya akong nakaramdam ng lungkot. Disappointment na rin. Ibabalik na niya ako.

When He Fell For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon