Chapter 24: Let it Go

67.8K 1.3K 302
                                    

" Mom? "

Nagulat si Micah at napatingin sa anak. Hindi niya namalayan ang paglapit nito. Kanina pa siya nakatayo sa terrace. Tulala at nakatingin sa malayo.

“Why are still up? Do you need anything?” nag aalalang tanong nito.

Umiling si Johann. “ I can’t sleep.”

Lumapit siya at kinarga ito. Tinungo ni Micah ang silid ng anak.

“ I told you not to eat sweets before bedtime, remember?” nagkunwari siyang pinapagalitan ito.

“ I’m sorry mom. I just had one bar of snickers.” sagot ng bata.

Binaba niya si Johann sa kama. Humiga na ang bata at kinumutan niya ito.

“ I’ll stay with you ‘till you sleep.” sabi nito.

Humiga na rin siya sa tabi ni Johann.

“ Goodnight mom.” Humalik ito sa pisngi ng ina.

Niyakap niya ito at hinalikan sa noo. “’night baby.”

Inayos nito ang kumot ng anak at pinatay na ang lampshade. Nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto.

" Daddy!" bati ni Johann at bumangon ito sa kama at patakbong yumakap sa ama.

Halatang namiss niya ito. Hindi sila nagkita maghapon. Hindi rin niya naabutan ang ama kaninang almusal. Maaga itong umalis for his flight to Zamboanga for a business meeting.

" Hey buddy." niyakap din ni Jin ang anak.

" I missed you dad. Can we play at the park tomorrow? After school? "

Nagkatinginan ang mag asawa. Bago pa makasagot si Jin, sinalo na ito ni Micah.

" No baby, we'll do it on weekend. Daddy has work. But I'll be with you." sabi nito sa anak.

Hindi pwede. Hans will be there. Susunduin niya si Johann. Desidido na itong makapaglapit sa anak niya. Mabuti na lang at pumayag ito sa pakiusap ni Micah na wag munang sabihin kay Johann ang lahat. Baka kasi mabigla ang bata at maguluhan.

Hinalikan ni Jin ang anak at kinarga ito pabalik sa kama.

“ Can you stay with me and mommy for a while? She said she’ll stay ‘till I sleep.” pakiusap ni Johann.

Tumingin muna si Jin kay Micah. “Daddy will be with you shortly baby. Mommy and I just need to talk. Okay?”

“ Okay.” sabi ng bata.

Humalik si Jin sa anak at sumunod kay Micah palabas ng kwarto ni Johann. Sa silid ni Micah ito dumerecho. Lingid sa kaalaman ni Johann, magkahiwalay ang silid ng mga magulang sa loob ng mahabang panahon. Narining niya ang mahinang pagsara ni Jin ng pinto ng kwarto.

Pabagsak na umupo si Micah sa dulo ng kama niya. Balik na naman siya sa dati. Pag stressed siya, pakiramdam niya pagod na pagod siya. At lalo siyang stressed pag naiisip niya si Hans. Napatingin siya kay Jin. He was watching her intently. What happened between her and Hans, walang ibang nakakaalam nito. Kahit si Jin na itinuring niyang bestfriend ay walang alam tungkol sa nangyari. Hindi sa dahil gusto niyang maglihim dito, kundi dahil nahihiya siya.

Pero sinabi nito lahat kay Jin ang napag usapan nila. Na alam na ni Hans ang ang tungkol kay Johann. At ito na siguro ang tamang pagkakataon para mag usap sila ni Jin.

“ Do you think it's really necessary? That we have to file an annulment?” tanong ni Jin.

Ngumiti si Micah sa asawa. Bago pa sila magkita ni Hans, matagal na niyang inaalok ang annulment kay Jin. Alam niyang may sariling buhay din ito. At sa nangyayari ngayon, this is probably the best time para gawin ito.

My Part Time Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon