Episode 5: You're a Mafia Boss

9.9K 337 13
                                    

Episode 5: You're A Mafia Boss


EditedOct2018


********


[ Virgel's PoV ]


Andito kaming lahat ngayon sa sala nakaupo. Ilang minuto na ang nakakalipas pero tanging titigan lang ang ginagawa namin sa isa't isa. Pano ba naman kasi ako magsasalita? Si Kael lang ang kilala ko sa mga narito.


"Boss, ayos ka lang ba? Nabalitaan ko ang nangyari sa pamilya mo kagabi." Sa tinanong ni Kael ay tila nag umpisa na namang sumikip ang dibdib ko dahil naalala ko na naman ang sinapit nila mama. 


"Ano bang klaseng tanong yan?! Hindi ka ba marunong makiramdam?" Sigaw nung lalaking mga nasa mid 30s na ata kay Kael.


"Hindi, okay lang" Agad ko nalang pinunasan ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko. "Nahuli na ba yung mga taong pumatay kila mama at papa?" Pagtuturo ko dun sa apat na taong nakita ko nung gabing yun bago ako mawalan ng malay. Sigurado akong sila ang may gawa nun. 

Napakuyom nalang ako ng wala sa oras nung maalala ko ang mga mukha nilang nakangisi pa sa harap ko.


Kainis!


"Patay na silang lahat, Boss." Sagot nung naka eyeglass na lalaki. Patay? Sino ang nakapatay sakanila?

"Kayo ba ang pumatay sakanila?" Tanong ko dahilan para mapatingin ang mga ito sa isa't isa.

"Hinde. Wala ka bang naalala sa mga nangyari kagabi, Boss?" 

"Wala. Ang huli ko lang natatandaan ay may apat na lalaking pumasok sa pinto ng bahay namin. Tapos nun.." 

Bigla akong natigilan sa huli ko pang naaalala. 

Yung naramdaman ko nung gabing yun bago ako mawalan ng malay.,

Yung kusang pag ngisi ng mga labi ko..

Guni guni ko lang ba yun?

"Tapos?"

"Tapos hindi ko na alam. Bigla nalang akong nawalan ng malay." 

"Kung ganun sino ang may gawa nun?" Tanong nung mid 30s na lalaki.

"Teka, nung kanina. May naalala ka bang nagwala ka kanina lang, Boss?" Tanong nung naka eyeglass. Nagwala?

"H-ha? Anong nagwala?"

"Baka nga ganun." Napahawak yung naka eyeglass sa baba niya. "Posibleng ikaw ang pumatay sa apat na yun kagabi. Nung sinabi mong nawalan ka ng malay, hindi ka talaga nawalan ng malay nun kundi nagwala ka lang sa sarili mo na ikinawala ng katinuan mo, Boss." 

Pumatay? Ako ang pumatay? H-hindi ko kayang pumatay ng tao. "Hindi ko kayo maintindihan. Tsaka baket ba Boss ang tawag niyong lahat sa'kin? Si Kael lang naman ang tumatawag sa'kin niyan ah. Magkaibigan ba kayong anim? " Kanina ko pa kasi sila napapansin. Boss sila ng Boss eh hindi naman Boss ang pangalan ko 


"Kasi ikaw ang bagong Boss namin. At siya nga pala, hindi namin magiging kaibigan yang taong yan " Sabi ulit nung mature na lalaki habang nakatingin ng masama kay Kael. Bakit parang kanina ko pa nahahalata na sobrang inis na inis siya sa presensya ni Kael? 

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon