Chapter 9: Communication Barriers

476 17 8
                                    

CHAPTER 9

[Communication Barriers]

Friday naaaaaa! Naka-survive din ako ng isang linggo ng pagiging Third Year.

Wala din namang nangyayari pang bago.

Magkatabi nga kami ni Randel pag English, hindi pa kami nag-uusap. Feeling ko nga, pader yung katabi ko eh. Nasa dulo na nga ako ng row namin, nadagdagan pa ng isang pader yung pumapaligid sakin. Mula pa nung Wednesday hanggang kahapon, wala pa talaga, kahit sa ibang klase din.

Namumuro lang ako sa mga pasimpleng tingin ko sa kanya. Hindi naman siya sanang nakakahalata...

O baka naman, ako dapat ang unang makipag-usap para hindi na siya mahiya sakin? Kapag hindi ko na 'to nakayanan, gagawin ko talaga yun!

Eto na... English na namin!

Siguradong boring na naman. Puro nalang notes, notes, notes. Nakakatamad! Hindi ba marunong mag-explain itong teacher na 'to?

Pero dahil kay Randel, titiisin ko ang klase 'yun!

Yun eh... kung magkakausap kami.

Tuwing magkatabi kami, laging lumalakas ang tibok ng puso ko... Hindi ko talaga mapigilan! Nako, pano kaya kung nag-usap na kami, baka mahimatay na ako niyan!

Hindi talaga ako makakibo. Nanlalamig pa ako. Baka naman kapag kinausap ko siya mautal-utal ako nito, nakakahiya lang!

Nangangalahati na pala kami sa English. Ang bagal naman tumakbo ng oras!

Dahil ba boring ang subject, o dahil lang kasama ko si Randel?

Pwede both?!?! Hahahaha!

Dapat ko na talaga siyang kausapin! Kahit ano lang... basta may motibo!

"Randel... what's the word after 'conquered'?"

Dugdug. Dugdug. Dugdug. Dugdug.

"Di ko alam, wala pa ako dun."

"Hey, don't speak in Tagalog!"

Hindi ko aakalaing masasabi ko 'yun sa kanya!

"Wag mo akong isumbong ha?"

Tsk! Ang kulit naman nito! Pero... as if naman, kaya ko siyang isumbong. Hindi ko kaya 'yun! Ah basta, bahala siya pag nahuli siya ni Ma'am na nagtatagalog. Strikto kasi 'yun pagdating sa "English-speaking-campaign" na yan.

"Ok. But if Ma'am catches you..."

"Hindi niya ako mahuhuli! Ang layo-layo niya eh."

"Fine."

Dugdug. Dugdug. Dugdug. Dugdug. Dugdug.

Bumalik nalang ako sa pagkokopya, pero iniisip ko parin kung kakausapin pa ako ni Randel pagkatapos nun. Tama kaya ang plano ko??

Ilang minuto pa ang dumaan, malapit na akong matapos sa kinokopya ko! Si Randel naman, mukhang nawalan ng gana kumopya. Bakit kaya? Tsk. Bahala na nga siya.

"Magtagalog ka na rin kasi!"

Kinausap niya na rin ako!!!! Magaling, magaling, magaling!

"I don't want to. Ma'am might catch me."

"Oo nga pala... GC ka kasi."

Ang awkward naman nito... Hindi ko na alam kung ano pang isasagot ko sa kanya. English o Tagalog? Pero hindi, tanggap ko naman na GC ako, kaya wala akong problema sa sinabi niya!

"Randel, what are you saying to Dianne? Are you done copying?"

Napangiti ako nang patago. Grabe, iba ang naisip ko dun sa sinabi ni Ma'am sa kanya. Napaka-malisyoso ng utak ko. Hahaha. Wala din namang nagreact na mga kaklase ko. Ako lang talaga mag-isa ang kinilig dahil dun.

Edi bumalik tuloy si Randel sa pagkokopya niya. Second page palang siya, tapos 10 minutes nalang, matatapos na ang klase. Yan kasi, tagalog nang tagalog, hindi pa kumokopya. Halata siya masyado. Tsktsk.

"Dianne, may I borrow your notebook later?"

Dugdug. Dugdug. Dugdug. Dugdug.

"Sure..."

Yun oh! May koneksyon nanaman kami ni Randel! YIEEEEEE. Naisip ko lang, syempre ibabalik niya sakin yung notebook. Pwede kong kunin yung pagkakataon na 'yun para kausapin siya!

Pero sa loob-loob ko, alam kong napahiya siya! Napa-English na rin siya. Sabi ko naman kasi na sa kanya, mahuhuli rin siya ni Ma'am. Baka may "sonic ears" si Ma'am? Hahaha.

"Salamat. Ay, thank you pala."

"I told you so."

"Because of you, I spoke in English already! Happy?"

"Don't let Ma'am hear you next time."

Nahahalata ko namang nahihirapan nga siyang magsalita ng purong English. Hahaha, natuwa lang din ako. Dahil sakin, napa-English tuloy siya. DAHIL SAKIN! :"""""> Well, hindi ko naman kasalanang mahuli siya ni Ma'am. Basta hindi ko siya sinumbong!

Eh hirap naman talaga... dapat pala hindi nalang kami English pinagtabi! Ang hirap siyang kausapin in English, parang ang forced ng dating. Kung tagalog, edi mas natural sana pakinggan.

"Ok. I'm done."

"Can I bring it home?"

"It's ok."

"Thank you."

"Ok, Calvin, you may go out now."

Wala na. Pagkalabas namin sa classroom na 'to, balik na agad sa dating gawi - WALANG PANSINAN. Syempre, siya agad yung unang lumabas saming dalawa. Tapos, ayun na. Nakatingin nalang ako sa kanya habang naglalakad na siyang palayo sa akin.

Di bale... swerte na ako sa ganyan. Yung ibang babaeng nagkakagusto sa kanya, iniisnab niya lang. Maswerte na nga akong makatabi siya sa klase eh, andami kayang babaeng nagkakandarapa para lang makatabi siya.

Sa Calvin kaya... meron?

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon