F.L.A.M.E.S. equals?? (One Shot Story)

166K 6.1K 2.8K
                                    

"Cha! Ako naman ang sunod!"

"Oh suuure :"> Si Patrick nuh?" 

"Uhuh!" 

Habang tinatapos ko ang assignment ko sa Calculus, naglalaro naman si Cha ng FLAMES :) Alam nyo naman siguro kung ano yun dba? If I know, nasubukan nyo na ding laruin yun. AMININ!!! XD

 Di ba may iba't ibang style sa paglaro nun? Yung sa amin kasi eh, hahanapin ang magkaparehang letra sa pangalang ng dalawang tao, tapos i add mo lang. Tsaka i count kung san babagsak sa letters ng F.L.A.M.E.S. :)

"Good morning class!" nagulat kami sa biglang pagdating ni Ma'am kaya dali dali nagsitayuan ang lahat na naupo sa sahig habang sinusulat ang report nila sa Manila Paper... at yung iba--

"Excuse me Ma'am!" Napatingin lahat kay Cha nang itaas nya ang kamay nya. "Kukunin ko po muna ang book ko sa kabilang seksyon!" 

Matanda na si Ma'am kaya alam nyo na... madisiplina. Masungit. Mataray. Ay basta! Yung typical na matandang teacher. :)

"Ano ba kayo! Sabi ng bago kayo pumasok sa klase ko, dapat dala na ninyo ang libro nyo! Every minute counts para sa klase natin tapos babawasan nyo pa!" paalala, este pangangaral nya ulit samin.   

=____= Araw araw nalang. Pero pinapalabas nalang namin sa kabilang tenga ang mga ganyan nya. 

"Bilisan mo para makapagsimula na tayo" masungit nyang tugon kay Cha nang tignan nya ito.

Nagtatakbo naman agad si Cha. Dapat kasi before 1 minute, andito ka na ulit sa room... kung hindi, dedots >.< Di sya pwedeng pumasok sa session na yun, at hindi nya magagawa ang mga seatwork na ipagagawa ni Ma'am. Sayang yung points!!!

"Cha talaga..." pinipigilan ko lang ang tawa ko habang sinusundan ng tingin si Cha sa labas. Dala dala pa nga nya kasi yung papel na sinulatan ng FLAMES namin ni Patrick :"> Ano kaya kinalabasan nun??? :D

Patrick. Yan ang pangalan ng 5-year-crush ko. Simula nung grade 6, may gusto na ako sa kanya. Lalo na ngayon at isa sya sa mga officers ng CAT namin. Actually, sya pa nga ang corp commander. 

Masasabi kong sikat sya, pero hindi yung tipong pagkakaguluhan talaga ng mga babae. Di naman kasi uso ang heart throb dito sa school namin eh. Di uso fans club para sa mga sikat... disiplinado kasi ang mga tao dito sa school namin :)

. . .

. . .

Klase pa din namin ngayon sa Calculus. Nakaharap lang ako sa board habang isinusulat ng isa kong kaklase ang sagot sa isang number. Board work ika nga :)

"An..." Patagong ipinasa sakin ni Gina ang papel na lukot lukot na ang itsura.

F.L.A.M.E.S. equals?? (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon