Chapter 1

54.9K 536 18
                                    

"OMG!" sigaw ko nang tinignan ko ang sarili ko sa salamin. 

"Ano nanamang kaechosan yan Cassie?" pagsita sa akin ni Ellaine habang inaayusan ako ng buhok.

"Ang ganda ko pala!" sabi ko sabay tawa. Hinila niya ng kaunti ang buhok ko.

 "Gaga! Kinulutan lang kita maganda ka na? Walang nagbago uy!"

 "Kase, ikaw nalang dapat maging stylist ko!"

 "Hay nako, bilisan mo na nga. Ma lelate ka pa sa concert mo mamaya. Atsaka girl, matuto ka na dapat mag-ayos ng sarili mo. That's just basic styling, kahit bata kayang gawin 'yan."

 "Wow ha! Atsaka concert? Che! Over ka naman. "

 "Bilis na! Kanina mo pa tinititigan sarili mo diyan! Heto na magpalit ka na, may last briefing ka pa tsaka kakausapin ka pa ng Dad mo. Dali! " Ang KJ ni Ellaine, parang hindi kami magpinsan, para ko siyang nanay, sobra!

That's what they call me, Cassie, kumakanta sa piesta o mga concert for a cause. Hindi artista, pero someday why not. Tinatawag nila akong singer, pero hindi singer na performer, singer dahil kaya ko lang kumanta. Kumanta na nah-hit 'yung mga tamang nota. Eighteen years na akong nabubuhay at sa darating na pasukan eh papasukin ko na ang mundo ng kolehiyo! At dahil pangarap kong makatulong sa mga may sakit, gusto kong maging nurse. 

Pinagmamasdan ko si Ellaine habang siya ang aligaga sa pag-aayos ng mga gamit ko, ng bag ko, ng mga nahulog kong buhok sa sahig. Only child lang kasi ako that's why we treat each other like we're real sisters. Parehas  lang kami naman kami ng bahay na tinitirhan. Medyo masaklap ang kinahinatnan ng parents niya, na aksidente sila nung 5 years old palang siya, kaya inampon nalang siya nila Daddy. 

It's summer break,  ang last summer vacation ko na 2 months. May summer class na ako sigurado pag nag college na ako. Gagawin ko na ang lahat ng dapat kong gawin sa mga araw na 'to. Sa mga nalalabing araw na hindi pa ako college. 

For now, may concert for a cause akong pupuntahan sa municipal gym para kay Mae Sanchez, 12 years old na may brain cancer. Stage 2 na ito at wala silang sapat na pera para sa treatments, actually ako ang nag arrange ng concert for her. Kasi makikita sa mukha niya ang determinasyon para mabuhay, para ipagpatuloy yung mga pangarap niya. At mahahadlangan iyon dahil wala silang perang pampagamot. 

Kasama ko ang mga miyembro ng "KPSKG" Kabataan para sa kawang gawa. At dahil ako ang presidente, isa ito sa mga proposed projects ko. Lahat ng members dito, teenagers at ang pinakabata ay 13 years old at ang pinaka matanda ay 19 years old. Kung above 19 years old ka na, considered elder ka na. Kaya sila ang mostly taga libre ng mga members ng group pagka may group meetings, gathering, outings, etc.

Dahil kulang ang budget, napakiusapan ko si Daddy na tulungan kami sa pagbayad sa mga renta at kung anu-ano pang kailangan para sa concert. Ulila ako sa Nanay, kaya si Daddy nalang ang nagpapalaki sa aming dalawa ni Ellaine. He's a super dad, nakayanan niya kaming palakihin kahit pareho kaming babae ni Ellaine. Though he can't understand girls a lot, he still tried to do his best.

"Ready?" tanong sa akin ng organizer ko. Kinakabahan ako pero kailangan ko 'tong gawin ng maayos!

"Yes, lets start."sabi ko.

 "Good Evening ladies and gentlemen! Please welcome, the president of KPSKG, Ms. Cassie Pineda!" Nagpalakpakan sila na hindi ko na marinig pati hinga ko. Nag speech lang ako ng kaunti, yung pasasalamat sa lahat ng pumunta at 'yung mga common things to say. At para simulan ang programa eh kumanta na rin ako.

One Thing, by One Direction. Pagkatapos, nag tuloy tuloy na ang mga other local singers from other universities na rin, tapos 'yung mga kalapit na barangay, and of course in-invite ko din ang band ng Childhood friend ko, ang "One way". We all had a good time.

All in all naka ipon kami ng 150,000 pesos, hindi man enough para sa whole process ng pagpapagaling kay Mae, at least malaki na din ang maitutulong sa kanya at sa pamilya niya.

Ang bait ko talaga ever! 

"Cass!", tawag ni Ellaine.

"Yeah?"

"Kung kaya mag arrange tayo ng beach outing para sa KPSKG?"

"Hmm, oo nga noh? Break din ng mga college ngayon. Tsaka, naka pag enroll naman na tayo eh! It's a nice way para makapag-bond pa tayo. Tara! "

"Yeah! Sinabi ko na kay daddy! Pumayag na siya! Itetext ko na ang members!"

"Adik ka! Sinabi mo na pala eh! Sige go!"

"Kailangan kasi ng approval mo, girl. "

"Ay ganon? Sige na, text mo na sila, weekend na ha. At maghahanap na ako ng swimsuit." Sinabi na namin sa lahat ng member at game naman silang sumama! I will make this summer an unforgettable one! Dahil ang sabi nila, "mag-enjoy na kami, habang pwede pa."

When she met Mr. Gangster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon