"Manganganak na yung asawa mo!"
Patulog na ako ng dumating si Lizbeth galing school. May mga kinuha kasi syang gamit na kailangan nyang asikasuhin since graduating na sya this coming October. Ayaw na nyang paabutin yung March kaya hinayaan ko na lang sya. Pinaabot ko muna ang 30minutes bago ako pumasok sa kwarto. Patulog na sya kasi nakapajama bottoms na sya. Buti naman at hindi mga kung anu-anong papel ang hawak nya.
“Hi Shane.” Humalik sya sakin sa labi at umupo ulit.
“Bakit suot mo yang damit na yan? Diba yan yung regalo ko sayo nung first monthsarry natin?” ngumiti ako sa kanya. Nakita ko syang medyo napatulala sakin. Ewan ko ba bakit minsan napapatulala sya sakin, wala naming kakaiba sakin.
Lumapit ako sa kanya at may sinuot na bracelet. Then may nagclick, yun yung bracelets namin na pag pinaglapit mo, magdidikit yung dalawa. Ngumisi lang sya pero di na nagsalita.
“How’s school? Dapat di ka nagpapagod.” Inalis ko yung ilang hibla ng buhok nya na tumatabing sa mukha nya.
“Kinda ok. Tinatapos ko na lang yung ibang mga requirements for the graduation. Ikaw? Hindi ka ba napapagod sa paghandle ng business?” medyo kumunot ng konti yung noo nya.
Ngumiti ako kasi nakita ko yung pag-aalala nya sakin. Dati, hindi sya ganito pero simula ng matapos na nya yung mga issue nya mas lalo syang naging mabait. Marunong na syang mag-open up sakin ng mga hinaing nya, o nararamdaman nya sa bawat pangyayari sa kanya. Hindi na sya nag-aalinlangang magkwento sakin. Hindi na rin sya nagsesekreto. Pakiramdam ko lahat ng bagay alam ko na sa kanya. Wala na syang tinatago sakin. Granted na mahal nya ako pero minsan hindi ko yun masyadong mapatunayan kasi iba nga yung mga kilos nya. Parang mahal nya ako ngayon pero sa susunod mararamdaman kong hindi.
Niyakap ko sya and I could feel heaven on that. Sana lagi kaming ganito. Humiga na kami. Yakap ko sya habang sya nakaupo pa rin. Nagtataka nga ako sa kanya kasi nakatingin lang sya sakin.
“Oh bakit?” pakiramdam ko mapupunit na yung mga labi ko. Kinikilig nga siguro ako kasi nakatingin sya sakin. Meron palang ganung pakiramdam na alam ko namang nagsimula pa nang makilala ko sya.
“Nothing. Just sleep now.” She kissed my forehead then turn off the lampshade. Nung una hindi ako sanay na patay lahat ng ilaw pero nag-adjust ako, hindi lang yun pero madami pang iba para sa kanya, mahal ko kasi sya. Kung hindi ko yun gagawin baka hindi magtagal ang pagsasama namin.
Naramdaman kong kumilos sya. Narinig ko yung pagbukas nya sa drawer. Siguro ilalagay na nya dun yung salamin nya. Maingat talaga sa gamit si Lizbeth. Lahat may lalagyan, nito ko nga lang napansin yun eh.
“Good night Lizbeth.” Niyakap ko sya.
“Good night Shane.” Yumakap na din sya.
Ilang araw na masaya kami. May times na hindi ko sya masundo sa school kasi napapadalas ang out of town ko pero two days or three days lang. Namimiss ko na kaagad sya kaya umuuwi ako. Pero ngayon hindi ko alam kung kaya ko pang umalis.
“Lizbeth.. .”
“Hmmm?” seryosong nakatingin si Lizbeth sa mga papel na binabasa nya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang balita sa kanya. Siguro naman maiintindihan nya diba?
“Can we talk seriously?”
Binaba nya yung mga papel at lumapit sa tabi ko. Hinawakan nya yung mga kamay ko then put it on her cheeks. Ang init ng pakiramdam ko dahil sa ginawa nya. Yung parang kuntento na ko na ganito kami lagi. Masayang-masaya ako sa pagiging mag-asawa naming. Wala na akong mahihiling pa na iba. Sana nga lang.. .
“Bakit?”
Humilig sya sa dibdib ko. Pakiramdam ko parang magsisikip pa sya lalo kasi ayoko yung desisyon ko kaso wala akong magagawa. Nakasasalay sa akin ang lahat.
“Tell me it now Shane, your making me nervous.” Napangiti ako kahit alam kong pag sinabi ko na sa kanya ang mangyayari, magagalit sya. Hindi naman sa kanya halata na kinakabahan sya. Lagi syang poker face pero since kilala ko na sya, tinatago nya lang yung ganung pakiramdam.
“I'm leaving.. .”
“When?” mabilis nyang sagot.
Napamaang
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists