Chapter Twelve

317K 3.2K 449
                                    

"Good."

Natigilan si Noneen nung narinig nga ang salitang yun. Good? Paanong good? Anong ibig sabihin nung good na yun? Nilingon niya si Lawrence. Nakita niya itong nakangiting nakatingin sa TV habang kumakain. Parang nagtatatalon ang puso nya dahil sa ngiti na yun.



Nakangiti ba sya dahil wala akong boyfriend?



Inalis nya ang tingin kay Lawrence tsaka pinalo ang noo niya. Nababaliw na ba sya? Bakit sya nagiisip ng ganitong bagay? Bakit niya binibigyan ng dahilan ang ngiting yun? Bakit naman niyang iniisip na siya ang dahilan nun? Asa naman sya. 



Wag ka ngang magexpect! Gaga ka Noneen! 



"Ba't mo pinapalo sarili mo ha?" Bigla naman nawala sya sa pagiisip nung biglang nagsalita si Lawrence. Napatingin sya dito.



"Ah..w-wala...may naisip lang ako." Nauutal na sabi ni Noneen. Tumingin sya sa TV tsaka inagaw ang chichirya na hawak ni Lawrence.



"Bakit? Nagsisisi ka na bang sinabi mong ayaw mong magboyfriend?" Inosenteng tanong ni Lawrence habang nakatingin kay Noneen.



"H-hindi naman yun yun eh..." Sagot ni Noneen. "Basta wala to.. wag mo akong pansinin nababaliw lang ako.." Sayo! Hindi niya maintindihan ang sarili. Sa totoo lang, bakit ganito ang nararamdaman niya kay Lawrence? Bakit parang bumibilis ang tibok ng puso niya? Sa mga salita at actions niya? Bakit? Anong meron?



May sakit ata ako sa puso. Isip ni Noneen.



Simula nung magising siya na katabi si Lawrence bakit parang nag-iba na ang lahat. Parang kinikilig sya na hindi? Ewan. Alam niya kasi si Ralph talaga eh. First love never dies nga eh di ba? Geez, baka may problema lang talaga siya sa puso. 



Kaso anong sakit yun? 



Parang wala naman siyang maisip, may sakit bang pag may lumalapit na tao sayo biglang bumibilis ang tibok ng puso mo?



Eh? Parang impossible naman yung sakit na yun. Isip ni Noneen.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon