Chapter 29-1. Hatid Sundo!

24.2K 286 18
                                    

Eleonor Malicsi Dimaculangan

“Gusto ko sanang… MANLIGAW.” Sa tono ng pagkakasabi ni Darren, parang gusto kong maniwalang scripted yung linya niyang yun ee. Haha. Para kasing ilang beses na niyang pinraktis.

Kaimbyerna naman tong si Max. “So?” tanong ko sakanya, obvious na boring sakin ang topic na yan. “Ano bang gmik yan? Ee di manligaw ka!! Ako ba nanay mo, para saken ka pa magpaalam!!”

Namula lalo mga pisngi ni Darren. “Ee kasi…” napakamot siya sa ulo, parang nakalimutan ata niya yung script niya. O baka, hindi na niya alam kung papaano ang tamang pag-deliver nung susunod niyang linya. “Ee Ellie…” He whined. “Kailangan ko kasi ng tulong mo!!” Napataas kilay ko. Tulong? Masama kutob ko aa. “Sige na Ellie, tulungan mo naman ako kay Sara oh!!”

“ANO?” I blurted out. Sabi ko na nga ba ee, yun yung sasabihin niya. Naku, alam naman ni Darren na pagdating sa mga lovelife ng mga tropa ko, ako ang huling taong malalapitan at makikialam sa mga ganyang aspeto ng buhay nila – pero syempre isang malaking exception to the rule si RYAN at MEG!! Haha. Well, technically speaking, hindi rin naman ako nakikialam sa kanila, umepal lang ako nun kasi alam kong dehado na si Meg nun. At chaka… kung hindi ako umepal ee di hindi dumating si Sef nun para sagipin ako. Wahahahaha.

Ehem, bakit ba bigla-bigla na lang napapasaok sa isip ko yung Monteverde na yun?? Kainis. Back to Darren na nga lang tayo. Galit akong sumandal sa upuan nung taxi at inirapan ko siya. “At saken ka pa talaga nagpatulong!! Ano bang malay ko jan? MUKA BA KONG NANLILIGAW??” Grabe, siya na nga lang itong nanghihingi ng tulong saken, siya pa tong nakapang insulto!!

Napangiti si Darren. “Alam mo namang ikaw lang malalapitan ko. Malakas talaga tama ko sa kaibigan mo ee.”

“Pwede ba, si Japo na lang kausapin mo nuh!”

“Sus. Yun? Hindi nga siya makadiskarte para sa sarili niya ee, ako pa tutulungan niya?”

Oo nga nuh. May point. “Tsk. Hay naku Max, wala akong panahon sa mga ganyan!!”

“Ellie sige na…” nag-puppy eyes siya. Ganyan yang lalaking yan kapag may kailangan, hindi yan titigil sa pagpapa-cute hangga’t di ka pumapayag sa gusto niya. Naku, sinasabi ko sa inyo… walang katapusang PANGUNGULIT nanaman ito!!

“Alam mong ayokong nakikialam sa mga ganyang usapan.” Ako naman ngayon ang napakamot sa ulo. “Kay Sef…” Parang labas sa ilong ko yung pagkakabigkas ko ng pangalan ni Sef. “Sakanya ka magpatulong. Siguradong expert yun!!”

“Hahaha. Talaga?” Darren actually laughed. “Marunong bang manligaw si Sef? Ee parang siya ang nililigawan sa dami ng fans niya.”

“Ganun?” I asked with sudden interest and I hated how my voice sounded. Hindi ko na binigyan pa ng chance si Darren na makapagcomment. Alam kong nahalata niya.“Ahhh. Ewan sayo!! BASTA AYOKO!!”

Pagkasabi ko nun, sakto nasa tapat na kami ng bahay ni Sara.

The moment they stepped out the cab, nonstop na si Darren Max Sanchez sa pangungulit kay Ellie. Pinagbuksan na sila ng gate nung mga maids and they were ushered towards the garden sa likod kung saan nandun sila Sara.

“Aaaw. Wala ka na ba talagang pagasang magbago, Eleonor Malicsi Dimaculangan?” Greeted Borge as she stood up to meet her best friend.

Borge gave Ellie one tight hug. Gigil nga itong yumakap sa dalaga. “So, ano pang hinihintay naten?” Borge said excitedly. “Photoshoot na!!”

“Wait.” Sabay lapit ni Sara kay Ellie. Napansin agad ni Sara na naka simpleng black shirt at shorts lang ang kaibigan, with matching tsinelas pa. “Honey, you can’t look like that. C’mon upstairs, aayusan kita.”

Everyone froze. Si Ellie aayusan? All eyes darted from Sara to Ellie, who was just as shocked as everyone else. Nanlaki mata ni Ellie na parang hindi siya makapaniwala sa narinig niya. “Ano? Pipicturan lang ako nuh!!” She took a step back. “Pwede na saken yung pulubi na theme!!”

Borge smiled. “Hmm.” She placed a hand on her chin as though thinking. Yung ngiti niya, halatang may iniisip na kalokohan. “Walang karapatang tumanggi ang mga late!!”

“Tamaah!” Meg’s voice came from the background.

Ellie was starting to step back habang papalapit sakanya sila Borge at Sara, who were both wearing crazy smiles on their faces. “T-teka lang… allergic ako sa make-up!! At malalagas buhok ko pag sinuklay!! Marami akong an-an sa katawan, masasayang lang damit mo saken!!”

But the two girls were’nt listening. Tumakbo agad si Ellie and Borge went after her, nagmistulang play ground ang napaka laking hardin nila Sara. Lahat ng nanunuod, natatawa na lang especially Sef.

“WAAAAH!!!” Ellie was screaming as she hid herself behide Japo na halos maitapon yung orange juice na hawak-hawak niya.

Borge just wouldn’t give up as she kept chasing after Ellie. “Madaya ka Ellie!! Magpaayos ka na!!”

“Ayoko nga… para picture lang ee… maganda na ko ng walang make-up!!” Hinablot ni Ellie yung t-shirt ni Japo sa likod nito at ginawa talagang barricade ang kawawang binata.

“S-s-sandali lang! Woi!” Sigaw ni Japo, habang binabalanse yung baso ng juice so as not to spill it on him. “Ellie!!”

Pero wala ng nagawa si Ellie when Ken popped out behind her and held her by the arm. Pati si Meg biglang lumitaw to hold Ellie as well. “WHOAH!!” nasabi ni Ellie na napalunok na lang sa kaba. “T-teka lang, CHILD ABUSE ITO!!” Napatingin ang dalaga kay Sef, who was smiling, obviously amused with the occurring events. Then Ellie looked pleadingly at Darren. “MAX!! Tulungan mo ko!!” They started dragging Ellie into the house. “MAAAX!!”

Tulong? Biglang sumagi sa isip ni Darren na pagkakataon na niya yun. Buwahahaha. Tama. This was his opportunity para mapa-oo si Ellie sa gusto niyang mangyari.

“Itigil niyo na nga yan!” Darren’s voice was rather domineering and was dead serious as he eyed Ken, Meg, Borge at Japo. Sa grupo kasi, si Darren talaga yung tumatayong kuya given the fact na siya din ang pinaka matanda at madalas ee, sinusunod talaga siya ng mga pasaway na ito.

The moment Darren said those words, everyone froze in place. Darren frowned, acting his best to look rather impatient. “Mag-photoshoot na nga lang tayo. Maya-maya aalis na ko.” Syempre kanwari lang yun. Tumingin pa nga siya sa relos niya para kapani-paniwala pa siya. “Atchaka sabi ni Tita, hindi pwedeng gabihin yang si Ellie. Maglilinis pa yan ng bahay nila.”

Unti-unting binitawan nila Borge si Ellie, who was beaming triumphantly. “BLEH!!” She stuck her tongue out.“Hahahaha.” Tawa ng dalaga.

“Sayang talaga pagkakataon na yun!” Japo said, hinayang na hinayang.

Sara stormed out the garden and headed straight towards Darren. “Ano ka ba?” She asked irritably. This time, si Darren naman ang napalunok sa biglaang paglapit ni Sara. “Nakakainis ka. Alam mo, napaka KJ mo!! I think dapat ngayon palang umalis ka na ee.”

Ouch. Mejo kumirot ang dibdib ni Darren sa sinabing yun ni Sara. But then parang may sumapi sakanya na kung anong ispirito at sinabing, “Ah ganun? Ako KJ? Well at least I’m not a spoiled brat like you who thinks lahat ng lalaki ee patay na patay sa kanya! But I’m sorry to tell you Ms. Dela Rama… tanggalin mo sa listahan mo ang pangalan ko cuz this guy in front of you would be the last person to go crazy on you.”

At yan ang plano mong panliligaw, Darren Max Sanchez?

Now, you are off to a great start Max!!

Bravo!!

To be continued.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon