16th.

321 18 8
                                    

Meyo wala ako sa wisyo ngayon, pero determinado akong makarami ng updates kasi less than two weeks lang ang bakasyon namin, then pasukan kami ulit sa April 14. Huhubels.

So, here's the 16th chapter. With love. :))

♥ K.

***

16th.

Matapos ang overnight namin sa bahay ko, napadalas na rin ang pagha-hang out ng team namin kasama si Ivan. Naging close na rin sila. At may magagawa pa ba ako?

Mas madalas na rin kaming magkasama ni Ivan ngayon, lalo na kapag may mga lakad si Chelu. Ayaw niya akong iwan mag-isa. Minsan nga feeling ko nagkaroon ako ng over-protective na Tatay.

Ilang araw nang hindi pumapasok si Xander. I feel relieved, and of course worried. Hindi naman mai-aalis sa akin 'yun.

Katatapos lang ng klase namin nina Ivan. May date daw si Chelu. Napapadalas ah.

"Sa main building ang sunod mong klase 'no? Antayin kita ah."

"Opo, Tatay. Alam ko namang pancakes lang ang habol mo." Ihahatid niya kasi ako sa bahay. Tapos makikilamon siya. Hampas-lupang patay-gutom. HARD.

"Good girl. Sige. Shooo." Naghiwalay na kami sa hallway.

Habang nagkaklase, lumilipad din naman ang isip ko.

Ano na kayang nangyari kay Xander? Hindi na rin kasi siya nagte-text. After nung nangyari sa bahay, wala na akong balita sa kanya.

Xander. Sana okay ka lang.

***

1 message from: Ivan

"Dynaaaaa. May inaasikaso lang ako sa lab. Bibilisan ko lang. 'Wag ka aalis dyan ah."

Napangiti na lang ako sa text message niya. Okay, sabi mo eh.

Naupo na lang ako sa bleachers sa field. Madali naman niya akong makikita rito.

Nakakatawa rin isipin. Noong una, ayoko sa baklang 'yun. Lalo na kasi pakielamero siya sa sense of fashion ko. Tapos ngayon eto na, he already had my respect, my trust, kumportable ako sa kanya. Clichè, pero ganun naman talaga ang madalas na nangyayari, 'di ba?

Ayoko pa ring mag-isip ng mga bagay na hihigit pa dun. Masaya ako sa sitwasyon namin ngayon.. Pero hindi ko pa rin maiwasang matakot. Baka mamaya pag bumalik si Xander.. UGH.

15 minutes na rin akong nagaantay. Ano kayang ginagawa nun sa lab? Siya na ang adik sa Chemistry.

Nililibang ko ang sarili ko sa paglalaro sa phone ko nang may tumawag sa pangalan ko.

"Uhm. Ikaw si Dynalene.. 'Di ba?" Hindi pamilyar ang boses, kayahinarap ko yug babae.

And there she was, Miss Aya Lopez.

"Y-yes.. Bakit?"

"Pwede ba tayong mag-usap? I mean, somewhere else.. Tayo lang." She tried to smile, but it didn't reach her eyes.

Tiningnan ko ang phone ko. Siguradong hindi ako papayagan ni Ivan, pero sinasabi ng instinct ko na kailangan kong sumama kay Aya. Harmless naman siguro siya.

"Sige. Pero may tatawagan lang ako, saglit." Lumayo muna ako ng konti tapos dinial ko ang number ni Ivan.

"Hello, Dyna? Alam kong miss mo na ako pero sorry talaga may inaayos lang kami. Kelangan mo na ba talaga umuwi? Kung gusto mo ihahatid muna kita?"

"YABANG. Hindi, tapusin mo na 'yan. Uhmm. May kakausapin lang ako ha. Mabilis lang, tapos babalik ako sa school."

"Ha? Sino---" Ini-off ko na ang phone ko. Sa akin lang muna ang bagay na 'to.

I'm the Extra. (MEGA HIATUS)Where stories live. Discover now