Capitulo Treinta y Cinco: Final Warning

37.7K 526 79
                                    

A/N: Sorry po kung may typo, nakamobile lang. ^_^V Saka, sali kayo dun sa one shot contest ah. April 19 pa po deadline. :))

Huwag niyo po akong patayin. Thank you. 

-------------

CHAPTER 35

SCARLET'S POV

LAST day na ng love event, may fireworks display mamayang alas otso ng gabi. Magkasama kami ni Kaycee at magkasama naman si Zander at baby James. Mamayang alas otso na lang daw kami magkita. Sabay-sabay naming panoorin yung fireworks. Bahala na raw kasi si Juls sa Booth, mag-enjoy daw muna kami. Kaya heto kami ni Kaycee, kumakain ng ice cream dito sa Maid & Butler Cafe nina Kenjiro. Ang gaganda at ang gugwapo nila sa suot nila, tuxedo sa mga lalake at Lolita dress naman sa mga babae.

Pagkatapos naming kumain ni Kaycee, nagyaya siya sa may horror booth. Tapang 'no? House of Terror yung pangalan nito. Isang malaking haunted house e. "Umma! Let's go. Teeheehee," hagikgik niya. Hinawakan niya yung kamay ko. Ayaw naman niya kasing magpabuhat. Huwag sana kaming pagkamalang white lady sa loob, pareho pa kasi kaming nakaputing dress ni Kaycee.

Sabay-sabay na kaming pumasok sa loob, may kasama kaming dalawang lalaki at dalawang babae. Lahat kami may sari-sariling flashlight. Pagkatapak na pagkatapak pa lang namin sa loob, nagsigawan na yung mga kasama namin. Bigla kasing sumara nang malakas yung pinto at nakalock pa noong sinubukan nilang buksan, sigaw sila nang sigaw.

Sobrang dilim din dito sa loob at nakakatakot pa yung sound effects. Kaso natatawa nga ako kasi boses babae yung sigaw nung dalawang lalake. Dyusme. Nakakaloka. Nagsiksikan yung apat na kasama namin sa isang sulok. Si baby Kaycee naman, no reaction. Hindi rin tuloy ako natatakot. May konting kandila lang na nakasindi dito sa loob.

Bigla kaming nakarinig ng mga yabag, lalong nagsigawan yung mga kasama namin. Bahala sila diyan. Nagsimula kaming lumakad ni Kaycee.

"Mi-hi-hi-hi! Mi-hi-hi-hi!" Bigla siyang tumawa, yung nakakatakot na parang tawa ng tiyanak. Lokong bata 'to. Nataranta yung mga kasama namin at grabe pa rin makasigaw. Nagsitakbuhan na sila at naghiwa-hiwalay yata sila ng daan. Kumapit sa akin yung isang babae. Nawawala na yata yung tatlo, hindi ko na sila marinig. "A-Ate, sama ako sa inyo a."

"Okay. Huwag kang bibitaw," sabi ko.

"T-Thank you po," sabi niya. Kapit na kapit siya sa braso ko tapos halatang nanginginig.

Tinutok niya yung flashlight niya sa mukha ko. "Aaaaaaah! Aaaaaaah!" sigaw niya pero nakakapit pa rin sa akin. "Bampira! Aaaaah!" sigaw niya ulit habang nakapikit.

"Teeheehee. Scaredy cat," sabi ni Kaycee na natatawa. Tinutukan ko ng flashlight 'tong kasama ko. Naaninag ko na yung mukha niya. Kilala ko pala. "Uy Chara, si Ate Scarlet 'to," sabi ko. Kapatid siya ni Vaughn.

"A-Ate? Akala ko kasi-- S-Sorry po," sabi niya tapos ngumiti na pero halatang natatakot pa rin. Alam na rin niyang kasama ko si Kaycee at siya yung nanakot kanina sa kanila.

Dreams, Destiny, and You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon