Chapter 54 - The Plan

41K 714 8
                                    

Khiara's  POV

Kahit paano nakadating agad kame kayna Cyrus.  Pahirapan gisingin yung bruhang Zhane. Date naman ang bilis niya gisingin ewan ko ba dito tulog mantika na ngayon.

"Pagkakain naten ng hapunan mamaya kita tayo dito sa terrace may sasabihin ako" bulong ni Red

"Ahh.." pero bago ko pa matapos sasabihin ko umalis na si Red makikipag unahan sa shower, hayy isip bata talaga

Narinig ko na yung mala halimaw na hikab ni Zhane.

"Ano ok ka na?" tanong ko kay Zhane

"Oo.." nakpikit pa isang mata niya

"Bilisan mo! baka maubusan tayo ng kwarto dito! di ko dadalhin yang bag mo kung akala mo ha" sabi ko at kinuha ko bags ko

"Eto na, wait lang" at humikab ulit siya

Nagpatuloy kame sa loob. Pagkatapos kumain natulog na silang lahat, yung iba nanonood ng TV.

"Psst, baby dali!" sabi ni Red

Dahan dahan akong lumabas at sinundan si Red. Nakaupo sya don sa may duyan. Bakit may duyan sina Cyrus? Hindi ko din alam.

"Ano sasabihin mo?" tanong ko

"Yung plano syempre" sabi ni Red

"Sige,  may tiwala naman ako sayo ehh sigurado ako maganda yan" sabi ko

"Tulak mo nga yung duyan" pakiusap ni Red

"Tss fine" at ayun dinuyan ko tong si Pula

"Kase gento muna.. gusto mo ba na may involved na mga pulis?" tanong ni Red

"Saken.. kahit ano ok, basta ba matatapos na yung problema di ko na poproblemahin kung tayo tayo lang or may tulong ng awtoridad" sabi ko

"Pero kailangan ko muna opinyon mo, I need a definite answer Khiara" sabi ni Red

"Paupo nga, iduyan mo din ako, naiinggit ako ehh" sabi ko at pinagtabuyan si Red

"Ano na baby????" tanong ni Red

"Osige, gento gusto ko, gusto ko kausapin muna naten sila, baka pwede naman idaan sa matinong usapan eh, if things get worse.. may backup tayong mga pulis, how's that?" tanong ko

"Good, that's just exactly what I'm thinking" sabi ni Red at nilapat yung noo niya sa noo ko

"Kung ikikiss mo ako..." sabi ko "..magtoothbrush ka muna Red, naaamoy ko yung tinola" tukso ko at tinulak palayo si Red habang natawa

"Wow, mabaho pala ha?" at umatake si Red hinihingahan yung mukha ko, mukha tuloy siyang ewan dito buti kame lang

Nung huminahon na si Red.

"So.. bukas isasagawa na naten ang plano?" tanong ko

"Yep, so matulog na tayo" sabi ni Red "San ba kwarto nyo ni Zhane? hatid na kita" sabi ni Red

"I can manage, para namang may papatay agad saken dito" sabi ko

"Don't joke like that"  sabi ni Red ng seryoso... tapos... oh no... you are soo gonna die Red dela merced... you just stole a kiss on the lips

"NIGHT BABY!! HAHAHAHA" at kumaripas nang takbo si Red bago pa ako makapag react

"Kung hihingi ka nama ibibigay ko ehh"  natatawa kong sabi sa saril ko at pumasok sa loob

Kinaumagahan.

"GOOD MORNING GUYS!" maligayang bati ni Red habang pababa ng hagdan

"Para sa taong nakakareceive ng death threats masaya ka ha" tukso ni Cyrus

"May plano na kame ni Khiara para sa treat,  but gusto ko malaman if willing kayo sumama, pero warning lang baka may magkasakitan kase.. si Cyrus na mismo nagsabi mukhang madami makakaharap naten don" sabi  ni Red

"Of course sasama ako, para kay Khiara to ehh" sabi ni Zhane

"Count me in" sabi ni Cyrus

"Hindi pa ganon kalalim ang friendship naten pero go ako jan" sabi ni Kyle

"So.. ano ba ang plano" Zhane asked, setting aside her childish personality and gearing up her gangster persona

"Gento, feeling namen ni Khiara may chance pang madaan to sa masinsinan na pag-uusap, pero pag di kinaya may backup tayo na mga pulis" sabi ni Red

"The way you say it parang ang dali ha" sabi ni Zhane

"Ano still in pa rin ba kayo?" tanong ko

"Yep, we're all in this together!!" kanta ni Zhane

"Soo, kame ni Red magsasabi sa pulis ng plano naten tas after non.." I trailed off

"Tingin ko kailangan naten mag practice ng onti.. medyo di na tayo tulad ng date ehh" sabi ni Cyrus

"Tama, buti malawak grounds nyo, pwede tayo mag practice at magspar" sabi ko

"Alis na kame ha" paalam ni Red

Bale pumunta kame sa mga pulis at sinabi namen ang problema, at nagplano na kame. inabot lang naman ng 2 oras kaya pagkatapos non dumiretso na kame ni Red kayna Cyrus para magpractice na din.

We spent the entire day ng puro training, buti madaming punching bags, at minsan pag daring kame yung puno sinusuntok namen. Pero minsan lang, kase kahit pano naaawa ako sa puno no. Polluted na nga ang mundo sisirain pa lalo namen. Wow naman.

Isasagawa namen ang plano the day after tomorrow.  So we only have one more day of training. Pero based sa ginagawa namen, bumabalik na ang reflex namen sa pakikipaglaban. Bumabalik yung adrenaline rush at bumabalik yung thirst for violence.

Habang nagpapahinga kame.

"So ganito, bukas tatawagan naten si Vanessa, habang nagcacall tayo itatrack na naten sila para if ever di sila pumayag sa peace talk malalaman pa din naten lugar nila at isusurprise sila don" sabi ni Red

"Please wag muna agad tayo makipaglaban, though gusto ko na din mangbugbog kailangan paunahin muna naten yung isip naten please guys. Don't do anything reckless" payo ko

Tumango naman sila.

Isang araw nalang bago magkaalaman at sa wakas ay sana matapos na lahat nang ito.

-------

-eyysarmi

THE NERD IS A SECRET GANGSTER PRINCESS?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon