Happy Ever After Sana! (HEAVILY REVISING)

Dedicated to
forgottenglimmer
spinner.gif

 

Isang buwan ang nakalipas at normal naman ang mga pangyayari sa kanilang unibersidad. Quizzes, assignments, lessons, projects at kung anu-ano pang dapat gawin ang nakatambak sa kanila. Nagkaroon na rin ng mga kaibigan si Gwynne na palagi niyang  naging mga kasama.

 

Kasalukuyan siyang nakaupo sa isang bench sa lugar kung saan nagtitipon ang magkaklase upang magpahinga dahil nga may isang oras silang vacant time. Nakita niyang magkasama sina Alex at Alice na nagkukulitan. Napangiti na lang siya sa kanila. Kahit naman kasi may gusto siya sa binata, crush lang naman iyon at hindi pa naman malalim. Hindi niya mapigilang maisip na magandang tingnan ang dalawa, bagay ang mga ito.

 

Habang pinagmamasdan niya ang mga ito na nagkukulitan, naalala niya na may napagpustahan sila ni Kirstie noong nakaraang gabi.

 

“Sige, kapag bumili si Alex ng Smart or TalknText na sim card, may pag-asa ka sa kanya.” Biglang salita ni Kirstie habang kumakain sila ng hapunan ni Gwynne. Tumango na lang si Gwynne dahil wala namang mawawala sa kanya. Kapag bumili at nagkatotoo, swerte niya. Kung hindi naman, better luck next time na lang.

 

Globe kasi si Alex at si Gwynne naman ay Smart, pero bumili rin siya ng Globe dahil sa kuya niyang nasa malayo. Para makapag-usap naman sila.

 

 

Pagkauwi ni Gwynne sa kanilang dorm at pagkatapos niyang mag-ayos ng sarili, nabagot siya kaya binuksan niya ang kanyang laptop at nagdesisyon na magfacebook na lang. Tiningnan nya ang group ng klase nila at nakita niya na may discussion. Dahil nga sa pagkabagot, ay sumali na lang siya sa usapan. Ilang posts ang nakalipas ay may nabuong pag-uusap sa kanila ni Alex. Doon nagsimula ang pagkakaibigan nila. Dahil nakita niya ang dati niyang nagustuhang lalaki na may girlfriend na, nalungkot siya at nagbuhos siya ng sama ng loob sa nakinig namang binata.

 

Napaiyak siya sa pag-uusap nila ni Alex, dahil hindi niya inasahan na may nararamdaman pa pala siya para sa lalaking iyon. Nang mahimasmasan naman siya, it was Alex’s turn to confide. Sinabi nito sa kanya na may nagustuhan ito. Kahit naman hindi nito sabihin sa kanya kung sino iyon, alam na ni Gwynne na si Alice iyon. Pagkatapos ng pag-uusap na iyon, napagkasunduan nilang magiging “ate” na ni Alex si Gwynne.

 

Mula noong gabing iyon, tumawag na si Alex kay Gwynne gabi-gabi. Kaya unti-unti ring nahulog ang loob ni Gwynne dito.

 

 

Napakasaya ni Alex dahil nga may nakilala siyang pwede niyang maging ate at mapagsasabihan. Ginawa niyang ate si Gwynne dahil nagustuhan niya ang kabaitan nito at nakakaaliw itong kausap. Isa pa ay sinabihan siya nitong tutulungan siya para makuha si Alice.

 

Ngayon ay Martes at wala silang pasok sa hapon kaya nagkayayaan ang magkaklaseng pumunta sa mall. Niyaya naman ni Alex si Gwynne para sumama, at sumama naman ito.

 

Habang naglalakad sila sa loob ng mall, pinilit ni Gwynne na umamin si Alex kung sino ba talaga ang nagugustuhan niyang babae, kaya umamin na lamang siya at nagkwento.

 

Matapos ang ilang minuto, nakita niya si Alice at tila ba nailawan ng isang milyong bituin ang mukha niya sa saya. Nakita naman ito ni Gwynne ngunit tumahimik lang ito at hindi na lang nito pinansin ang kirot na nadarama nito sa kanyang puso.

 

 

Habang nakaupo sila sa food court ay nakita ni Alex na naroon pala ang mga kaibigan niya mula high school. Nilapitan niya ang mga ito at nag-usap sila.

 

 

Nagtaka naman si Gwynne kung ano ang pinag-uusapan ni Alex at ng mga kaibigan niyang babae. Laking gulat pa niya na tinuro siya nito, at napakunot ang kanyang noo noong pinalapit siya nito sa kanila. Lumapit naman si Gwynne, ngunit ikinasama lamang ng loob niya ang paglapit niya, dahil pinaturo lang pala sa kanya kung saan banda si Alice. Kahit na tila may kumurot sa dibdib niya ay itinuro niya na lang kung nasaan si Alice at matapos siyang pasalamatan ni Alex ay bumalik na siya sa kinauupuan niya.

 

Kinagabihan noong umuwi na sila, hinatid sila ni Alex. Hindi ito dahil sa kanya, kundi dahil kay Alice.

 

Nang makaakyat na siya sa kanyang kwarto, humiga siya sa kanyang kama. Naisip niya na ganito pala ang magmahal, masakit at nakakakirot sa puso. Pinalis niya ang munting luhang nagbadyang tumulo mula sa kanyang kaliwang mata at nagpasya na siyang matulog na.

 

--

 

A/N: Tell me what you think about the revision!

Comments & Reviews (33)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Multimedia

Two.

Cast

Suzy (Miss A)as Gwynneth Sarrosa
Kim Soo Hyunas Alex Alcantara
UEEas Alice Melares
Jang Geun Sukas Trevor Greene
Eunjung (T-Ara)as Kirstie Marivelles
Shindongas Arell Perez
Henry Lauas Jardem Dizon

Recommended

I want you back (one shot story)Bestfriend Or Stealer?How to produce a PrinceOff-limits