Dedicated to Ate Miq (yourstuly07) na makikita ko na sa wakas sa May 12! Hahaha! At syempre, makikita ko na rin si Ate Roma (whenitcomestolove)! Excited na ko sa meetup natin mga sistorrrr! Puro kathNiel pag-uusapan natin nyan hahaha! Mwa <3

-----------------------------

CHAPTER 11.

KATHRYN'S POV

"Kath, saan tayo papunta?" tanong ni DJ habang patuloy kaming naglalakad. Kakalabas lang namin ng campus ng university. Tuwang-tuwa ang mokong. Kesyo dami daw nagpapapansin sa kanya.

"Eh manahimik ka na lang dyan. Malapit na tayo!"

"Tss. Ayaw mo lang bitawan ko kamay mo eh."

Binigyan ko siya ng infamous death glare ko sabay belat sa kanya. Oh how I miss giving him that!

Tinawanan niya lang ako sabay sabing. "Mukha kang timang."

 

 

"Weh? Corny! Lika na nga at wag ka ng magreklamo!"

Tumahimik na lang siya pero halatang tawang-tawa pa rin siya.

Totoo naman eh! Ayaw kong bitawan niya kamay ko. Huhuhu.

Tahimik lang niya akong sinusundan. Syempre, kailangan ko ng ituloy ang OPERATION: BDB ko. Papunta kami sa...

"DJ, andito na tayo."

Tinignan niya lang yung malaking building na nasa harapan niya. Hindi siya nagsalita.

Hinila ko siya papasok ng building.

"Condo mo 'to DJ."

 

 

"Alam ko."

Bigla akong napatigil at napatingin sa kanya. "Alam mo?"