Previous Page of 2Next Page

Happy Ever After Sana! (HEAVILY REVISING)

Dedicated to
modernongtasyo
spinner.gif

Nakaupo si Gwynneth sa sahig sa labas ng classroom na papasukan nila sa umagang iyon, naghihintay kasama ng mga kaklase niya para sa pagdating ng instructor nila. Lunes na ng huling linggo ng Hunyo ngunit ngayon pa lang sila magsisimula sa kanilang klase sa isa nilang major na subject.

 

 

Bilang isang Information Technology student, handa na siya sa kung ano man ang nakalahad na mga aralin para sa kanila. Mahilig siya sa coding at editing kaya naman ito ang kinuha niyang kurso. Mula pa lang nang siya ay labing-tatlong gulang, nagsimula na siyang mag-aral tungkol sa HTML dahil sa mga social networking sites kung saan pupuwedeng ma-customize gamit ang HTML para mapalitan ang itsura ng ipopost mo. Nagsimula naman siya sa photo-editing dahil sa panonood niya sa kanyang nakakatandang kapatid na nagmamanipula ng mga larawan gamit ang photo-editing software na Photoshop.

 

"Okay count off. One to five. I will divide you into five groups for the reporting," panimula ng kanilang guro pagkapasok nila sa silid. Tumingin-tingin si Gwynneth sa paligid at nakita niya na nakaupo na lahat ng kaklase niya sa harap ng mga computer units. Puti ang pintura ng mga dingding at may isang malapad na white board sa harap nila. Higit sa trenta ang mga computer units sa bawat classroom. Katamtaman lamang para mag-accommodate ng isang klase. Nahati ang silid sa tatlong bahagi. May tatlong mahahabang mesa na naglalaman ng sampu hanggang labing-limang units. Ang guro naman ay may kanyang sariling computer at projector para makapagpresent ng kanyang mga aralin.

 

Nag-count off silang lahat at natama si Gwynne sa ikalimang grupo. Nang mahanap na niya ang kanyang mga kagrupo ay nakita niyang anim silang myembro. Limang babae at nag-iisa lang ang lalaki. Tahimik lang lahat at nagmamasid, tila ba pinapakiramdaman ang isa’t-isa at naghihintay na may magsalita. 

 

"Sige, ako na muna magpapakilala kasi parang walang gusting magsalita," tahimik mang tingnan si Gwynneth, isa pa rin siyang natural born leader. May pagka-bossy din minsan pero nasa lugar naman ito kaya hindi siya magawang pagtaniman ng galit ng mga naging kasama niya.

 

"Ako nga pala si Gwynneth Sarrosa," nagbigay siya ng isang matamis na ngiti para sa kanyang mga kasamahan. Gusto niyang makahanap ng mga kaibigan at gusto niya ring magkaroon sila ng mataas na puntos sa araw na ito. First impressions last, ika nga.

 

Isa-isa namang nagpakilala ang mga kagrupo niya. Nalaman niya ang mga pangalan nila na Ana Legardo, Valerie Montez, Hannah Valle, Kaye Morales at Alex Alcantara.

 

Narinig nilang kailangan nilang pumili ng isang sekretarya para magsulat ng kanilang report kaya nagsimula na siyang kilalanin ang kanyang grupo. 

 

"Okay! Nice to meet you guys!" Masayang binati niya ang mga kagrupo at inisa-isa ang mga pangalan nito. 

 

"Ana, Valerie, Hannah, Kaye, A..." Napatigil siya sa harap ng lalaki. Sa hindi malamang dahilan ay nakalimutan niya ang pangalan nito. Nalito siya sa sarili dahil sa pagkakaalala niya ay maikli lang ang pangalan nito. Napaisip siya saglit at dahil napagod siya ay tinanong niya na lang ulit.

 

"Aray naman, bakit ako pa? Alex," sagot nito sa kanya at muntik niya na itong inirapan dahil parang mas maarte pa ito sa kanya. Nakahawak pa kasi ito sa dibdib nito at umaktong parang nasasaktan. Pinigilan niya na lang ang kanyang sarili at humingi ng tawad.

 

 

Natapos ang reporting at ang grupo nina Gwynneth ang nakakuha ng pinakamataas na score. Masaya siyang umuwi sa kanyang tinutuluyang dormitory at naabutan niya ang matalik niyang kaibigang si Kirstie Marivelles. 

 

Kinamusta niya ang kaibigan tungkol sa mga naranasan nito sa kanyang kurso. Business and Accountancy kasi ang kinukuha nito.

 

"Ok lang, walang namamansin," reklamo nito sa kanya. Naawa siya sa kaibigan at naisip niya na siguro hindi kasing pala-kaibigan ang mga estudyante sa kurso nito.

 

Tinanong din siya nito at kinwento niya ang naranasan niya nitong araw. "Alam mo, may guwapo akong classmate," tumawa siya matapos niyang sinabi ito. Si Alex ang tinutukoy niya dahil totoo nga na guwapo ito. Matangkad kasi ito at singkit ang mata. Maangas ang dating pero madaling lapitan at palakaibigan. 

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (36)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Cast

Suzy (Miss A)as Gwynneth Sarrosa
Kim Soo Hyunas Alex Alcantara
UEEas Alice Melares
Jang Geun Sukas Trevor Greene
Eunjung (T-Ara)as Kirstie Marivelles
Shindongas Arell Perez
Henry Lauas Jardem Dizon

Recommended

MY NERDY BOSSBridge of Love :)[S1LU] Someone Like YouLove Team (Ongoing)