Ang Member ng Team Popoy
Dahil sa wala akong magawa ngayon.
Magblo-blog ako. ^-^
Two weeks ng walang pasok.
BORING ng bakasyon ko.
Kung bakit ba naman kasi drawing ang mga kaibigan ko.
Tatlong try na ata nilang magplano ng swimming. Di naman natutuloy. -~-
Sana naman matuloy na yung sinabi ni Harris na Swimming sa May. ^_^
Ang Team Popoy!
Si MAUI- si kuya Maui. Sya ang pinakamatanda sa amin. At dahil sya ang pinaka may edad sya din ang pinakadrawing sa lahat. Daig pa nga ata nyang magdrawing si Fernando Amorsolo! May gf sya si MARCA, lagi silang magkasunod pero kapag may chance tumatakas si kuya para sumunod sa amin. Nung mabuo ang Popoy, break sila nun. Hay naku kahit napakalaki ng katawan nyang si kuya Maui, iyakin yan pagdating kay Marca. Tsk tsk tsk. Kung idedescribe ko sya in two words it would be JOHNY BRAVO. Ang lalaking malaki ang katawan pero ang liit ng ulo, lagi pang kalbo. *_*
Si HARRIS- si Harris. Kina Harris ang natatanging bahay na napuntahan namin na may parang sari-sari store sa loob ng banyo. Kahit ata maligo ka ng dalawang taon sa loob ng banyo nila hindi mauubos ang supply nilang shampoo na nasa sachet, sabon na nasa sachet, toothpaste na nasa sachet. Para na ngang kurtina nila yung mga shampoo sachet sa loob ng banyo. Kapag pumupunta kami sa bahay nila hindi mawawala ang pictorial sa banyo nila hahahaha. Kung si kuya malaki ang katawan, si Harris malaki ang tyan at puwitan. Hahaha. He is the type of guy na boy-next-door. Kaibigan ng lahat ng girls sa school. Hindi sya ganun katangkad pero malakas ang appeal nya. Hindi ko alam kung may gf na ba uli sya pero ang alam ko may nililigawan sya ngayon. Pero nung Valentines wala naman syang kasama *shrug. Wala na akong masabi.
Si DONALI- ang pinakamaharot, makulit at magaling sumayaw na babaeng nakita ko. Nakakatawa sya kahit panuorin mo lang sya. Dakilang late sa mga gimik, ano pa nga bang aasahan namin e sa klase nga lagi syang late e! Ultimong retreat at field trip nalelate ang lola mo. Sabi nya kamukha daw nya si Lulu ng Lovers in Paris, sabi naman namin, okay -_- . Hahaha pero minsan naman oo yung chakang side ni Lulu hahaha. Pero kahit sya na atang pinakalokang babae na makikita mo sa mundo, kapag nagseryoso naman, hindi mo talaga makakausap. Si Ms. Seryoso sya kapag malapit na ang exam. At least di ba, ume-effort sya. Pareho kaming ngumiti ni Lulu, ay este Donali ganito o ^_^. May kwento yung pangalan nya e, at sa inuman inuulit-ulit nya yun. Donali daw ang pangalan nya kasi yun daw yung pangalan ng character na napanood ng nanay at tatay nya nung unang date nila. Kapag naman tinatanong namin kung anung tile ng movie tinutulugan kami. Hayst Donali! Nasakit ang tyan ko katatawa iniisip ko palang sya.
Si MEYOW- ang babaeng nakatira pa sa kabilang bundok. Bago pa sya makarating sa school naglalakad sya ng isang hektaryang pilapilan, isang kilometrong manggahan at sasakay na sya ng trolie na sampung kilometro ata ang layo sa bayan, hindi pa 'yun ha, magtra-tricycle pa sya para makapunta sya school namin. Kahit siguro alas singko sya umalis late parin sya. Pero hindi na naman sya nage-effort na umaga ng pasok, bakit? Kasi andyan naman si Donali na mas laging late sa kanya. Si meyow din ang dahilan kung bakit nauubos ang wet wipes ni Besie. Kasi naman laging ang putik ng sapatos nya tuwing dumarating sa school, pero anung magagawa namin kung maputik yung dinadaanan nya? Siya ang PUNKISTA ng grupo. Bilugan yung mata nya kaya naman kapag naglagay sya ng eyeliner kitang-kita at napaka-expressive nung eyes nya. Siya rin ang moving parlor ng grupo. Lipstick? Eyeliner? Mascarra? Name it! Meron yan lahat sa bag nya! To think na sobrang liit nung bag nya kasya lahat ng pampaganda. Malapad ang noo ni Meyow kaya naman matalino yan, yun nga lang di masyadong nag-iintindi :(. May on and off syang boylet si JonJon. Sa sobrang dalas ng break up at make up nila di na namin sya pinapansin kapag nagpalit sya ng status sa FB. Minsan nga pinagpupustahanan pa namin nina Donali kung ilang araw o linggo tatagal ang away nung dalawa ^_^.
Si MAMA VI- ang babaeng magugulatin, mainisin, malambing at mapagmahal. Nanay na nanay namin sya. Mas matanda lang sya sa amin ng kauntian, tumigil sya kasi kailangan nyang manganak. Sobrang pinagsisisihan nya yung panahon na nasaktan nya yung parents nya kasi nabunis sya pero hindi nya pinagsisihan na nabuntis sya kasi ang cute naman ng anakniya na si Shine ^_^. Sayang, kung nagkakilala lang kami ni mama ng mas maaga, ninang siguro ako ni Shine. Si mama din ang laging nagbabawal sa aking kumain ng madami, medyo malusog kasi kaming dalawa pero sabi nya hindi daw naman sya malusog dati nung nagkaanak lang daw sya kaya naman lagi nya akong pinipilit magpapayat ^_^ para magka-boyfriend! Gustong-gusto kong haplusin ang buhok ni mama kasi ang shiny at ang lambot pa.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists