To Love and be Loved in Return [Chapter 39]

138 6 3
                                    

CHAPTER 39

NINA’S POV

Ngayon ang last day ng intramurals.

At alam ko na ito na ang last day ko para matulungan si Nathan.

Gaya nga ng sinabi niya noon, sa araw daw ng concert nila, magtatapat na daw siya kay Ysabelle.

Pagkasabi niya yun, my heart broke into pieces. Paano naman ako? ;(

Sinubukan kong hanapin si Nathan dahil alam ko busy siya ngayon, sila ng kagrupo niya para sa concert mamaya.

Pinuntahan ko siya sa AVR kasi doon lang naman sila nagpapractice.

Pero pagkapunta ka dun, wala siya. Wala sila.

Saan naman kaya nagpunta yun?

Nilibot ko ang buong high school department. Kaso wala pa rin. Wala pa ring Nathan na nagpapakita.

Hinanap ko siya. Halos inikot ko na buong school campus.

Kaso wala eh. wala talaga.

7pm na nun. Naisipan ko munang umuwi sa village namin.

Well, nadaanan ko yung bahay nila Ysabelle.

Mag ka village nga kami. Kaso medyo malayo yung samin.

Marami raming ring bahay ang madadaanan mo bago makapunta samin.

Pagkauwi ko, I changed my clothes.

I took a shower then after nun, kumain muna ako ng dinner then went straightly to school para panoorin yung concert nila Nathan.

Kaso habang papadaan yung kotse sa park, may napansin ako.

Napatingin ako kaagad. I know, kilala ko yung taong yun.

Sinabi ko sa driver namin na ihinto niya yung car, so he did.

I ran immediately unto him.

Nang nasa likod niya na ako, bigla akong nagsalita.

“Nathan…”

Nagulat ko yata siya dun. Kaya ayun, napatingin siya sakin with a blank expression on his face.

“Kanina ka pa ba diyan?” tanong niya

“Hindi. Kararating ko lang.” tapos umupo ako sa tabi niya

“Bakit ka nandito? Malapit na mag start yung concert ha.” Sabi ko

“Nagpapahangin muna ako. Gusto ko sanang mapag isa kaso andito kana eh. wag ka nalang umalis.”

“Nathan. May problema ba?”

Napansin ko naman na huminga muna siya ng malalim.

“Meron.”

“Siya na naman ba?”

Tumango lang siya.

“So, gagawin mo pa ba yung plano mo? Na magtatapat ka na sa kanya?”

“Oo. Kaso hindi ko alam kung kakayanin ko ba o hindi.”

“Nathan, may tanong ako.”

“Ano?”

Napahinga ako ng malalim.

Dapat ko pa bang itanong ‘to?

“Nathan. Will you stop loving someone just because she doesn’t love you back?”

Bigla siyang napatingin sakin. Alam kong nagulat siya sa tanong ko.

Pero please. Sagutin mo naman! ;(

To Love and be Loved in Return [ON-HOLD!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon