Chapter 10

503 8 2
                                    

Chapter 10





Lumipas ang isang linggo 'mula nung huli naming pag uusap ni Adrian. Hindi ko na din siya nakikita sa school. Sa pagkaka alam ko, naging "busy" daw siya. Pero kung busy siya, pwede na,an niya atang ipa-alam sa akin yun diba? Magkaibigan naman kami diba?Ugh Michelle! Kung ano ano na naman pumapasok sa isip mo.

"Girl!" Tawag sa akin ni Layza.

"Oh?"

"Ay, ang seryoso mo naman!" Sabay tapik niya sa balikat ko.

Haay. Kamusta na kaya si Adrian?

"Alam mo Michelle, napansin ko ngayong linggong 'to parang palagi kang wala sa sarili. O kaya minsan lagi kang balisa na parang may inaantay. Ano nangyayari sayo?" Tanong niya sakin.

Totoo yun, mula ng pag uusap namin ni Adrian, araw araw inaabangan ko siya na baka sakaling makita ko siya.

Hindi ko nasagot si Layza ng biglang may umupo sa harapan ko.

Tsk. Andito na naman tong unggoy na to. Isang linggo narin tong utos ng utos eh. Sarap sungalngalin yung gwapong mukha tsk.

Lumingon muna ako kay Layza at nakita ko siyang ngumuso sa taong nasa harapan ko bago ako humarap sa unggoy.

"Kailangan mo?" Taas kilay kong tanong sa kaniya.

Nakita ko namang ngumisi siya. Sh*t bakit ba ang gwapo nito? Uhmm. Gwapo din naman si Adrian pero si Brian?.. may iba eh.

"May ipapagawa ako sayo" seryosong sabi niya sabay halukipkip.

Muli kong tinignan si Layza at nakita ko namang seryoso siyang nakatingin samin at nakikinig kay Brian.


"Uh..hh hehe aalis ba ako?" Utal utal na tanong ni Layza.




Sa loob ng isip ko, gusto kong tumawa sa reaksyon ni layza. Halatang takot siya kay Brian. Ako? Sanay na ako sa unggoy na to. Masama nga ugali eh. Abusado.

Parehas kaming walang sagot ni Brian at seryoso din siyang nakatingin sa kaibigan ko.

"He-he oo ata.. Kailangam ko atang umalis.. Sige Mich, see you later" sabay beso sa akin at mabilis lumabas ng canteen.

"So.." Panimula niya. Saka ko siya nilingon

"Anong ipapagawa mo sakin?" Tanong ko

"Kailangan mong sumama sa akin." Ano? Ako? Sasama sa kaniya? No way!

"Bakit naman ako sasama sayo? Give me one reason."

"ANO BA! Wag ka na nga magtanong basta sumama ka nalang!" Medyo napalakas ang boses niya kaya napatingin halos lahat ang estudyante sa gawi namin.

"ALL OF YOU, DON'T STARE! OR I WILL RIP YOUR HEADS OFF!!!" Sigaw niya sa mga estudyante. Grabe diba? Ang sama ng ugali. Kaniya kaniyang yuko tuloy sila.

"Hoy! Wag ka ngang sumigaw diyan? Ang sama talaga ng ugali mo! Hayaan mo sila! Hindi mo kailangan sumigaw diba?"

"I know, i'm bad" sabay ngisi.

Tignan mo tong lalaking to, sarap ipalo tong bote ng tubig sa ulo niya eh. Aminado. Tsk

"Buti alam mo" sabay irap ko sa kaniya.

"So anyway, i'll pick you up tomorrow 5pm sa bahay niyo."

"Bakit? May pasundo sundo ka pang nalalaman? Baka i pa kidnap mo pa ako no! Walang pera lola ko."

Devil Beside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon