OS #9

17.5K 415 21
                                    

IX.
Paasa (Jail Booth pt. 2 )

"ISA na."

"Ha?" Nagtatakang tanong ko. Bigla-bigla na lang magsasalita 'tong kaibigan ko.

Hindi naman niya 'ko sinagot kaya 'di ko na lang pinansin. Weird din nito.

"Dalawa."

Napairap ako at nilingon siya. "Problema mo ba?" Natatawang tanong ko. Mukhang tanga kasi.

Hindi niya 'ko sinagot at nakatingin lang sa kung saan.

Tapos 'di ako pinapansin. Kutusan ko 'to, e.

"Tatlo!" Napahagalpak siya ng tawa— "Aray!"

Kinutusan ko nga. Leche, e.

"Ano bang binibilang-bilang mo diyan? Parang tanga ka." Kunot-noong tanong ko.

"Tiningnan ka kasi niya. Tatlong beses!" Sabi niya habang nakatingin kay... Kent?

"Ha? Hindi nga?" Kinikilig kong tanong.

"Oo nga. Pagmumukhain ko bang tanga sarili ko na bilang nang bilang dito kung 'di totoo?" Sabay irap sa'kin.

Napatili naman ako at kaagad nagtakip ng tenga 'tong katabi ko.

"Anong nangyari riyan?" Biglang sulpot no'ng iba ko pang kaibigan.

"Sinabi ko na sainyo. Niyaya ko kayo no'ng isang araw na dalhin 'yan sa mental, ta's ayaw niyo." At nagsitawanan sila.

'Yong nangyari sa jail booth ba? Pagkatapos no'n, normal na lang ulit. Pero naging mas sweet siya sa'kin. Pero hindi kami. Mutual Understanding kumbaga.

Na siyang ayos lang naman sa'kin kasi hindi pa 'ko pwedeng pumasok sa isang commitment. And I want to introduce my first official boyfriend to my parents, and be legal.

* * *

PAGKAUWI na pagkauwi, nag-open kaagad ako ng facebook.

Matic na 'yon.

Bubuksan ko pa lang sana 'yong notifications ko nang biglang magpop-out si Kent sa chat box ko.

Kent
Hoy.

Pinigilan kong mapasigaw sa kilig at hinampas-hampas na lang 'yong unan ko.

To: Kent
Oh?

Kent
Hindi ka ba tinatamad?

To: Kent
Tinatamad sa'n?

Kent
Ngayon.

To: Kent
Ba't naman ako tatamarin?

Kent
'Di ka ba nabobored?

To: Kent
Hindi nga. Bakit mo ba tinatanong? 😂

Kent
Simula kasi pag-uwi ko kanina tinatamad ako. Para bang may kulang.

To: Kent
Baka naman inaantok ka lang.

Kent
Hindi kasi ako nakapagbasketball kanina.

Napabusangot ako. Akala ko pa naman babanat siya!

To: Kent
Ah' 'yon. 'Yang laro na naman na 'yan. Tigilan mo na nga 'yan. 😒

Kent
Dahil sa katamaran kanina 'di ko namalayang malapit na 'ko sa gitna ng kalsada.

Napakunot-noo naman ako at mabilis na nagtype.

To: Kent
Mag-ingat ka nga! Gumilid ka! Hindi 'yung gumigitna ka pa! 😤

Kent
Wala pa sa gitna 'yon.

To: Kent
Hihintayin mo pang mapunta sa gitna? 😠 Basta, mag-ingat ka.

Kent
Takot ka ba?

To: Kent
Oo.

Kent
Takot ka bang mawala ako sa mapa?

To: Kent
Oo. Takot na takot.

Kent
Bakit ka naman natatakot?

Napangiti na lang. Simula no'ng nangyari sa jail booth, naging mas open na siya sa'kin. Minsan para siyang bata na nagse-seek ng attention, minsan naman sobrang strict.

Kent
Uy. Nang-seen na. Bakit ka matatakot?

Naiiling na lang akong nagtype ng reply.

To: Kent
Ayoko kasing mawala ka.

* * *

"ANG harot. Kainis!"

Tiningnan naman namin 'tong kaibigan ko. "Sino?" May love life na ba 'to at hindi lang sinasabi?

"Wala!"

Hindi ko na napigilan at kinutusan ko na. Sinamaan niya naman ako ng tingin. Inirapan ko lang siya.

"Magsasalita ka diyan bigla ng maharot tas no'ng tinanong ka, sasabihin mo wala? Pwede ba 'yon?" Mataray na tanong sakaniya no'ng isa.

"Pwede. Malay mo nahawa ako sa kabaliwan niyo kaya 'ko nagkakaganito!" Sabay irap na sabi nito.

"Mukhang badtrip nga ang ate niyo." Bulong no'ng isa.

Hinila ko 'yong kaibigan kong baliw na bigla na lang nasigaw ng maharot. Alam ko talaga may problema 'tong babaitang 'to.

"Oh, ano ba 'yon?"

Nilabas niya cellphone niya. "Oh, ayan! Tingnan mo! Nang-invade ako ng mga facebook tapos nakita ko 'yan!"

Nagtataka ko namang tiningnan 'yong picture sa cellphone niya.

Kent
I love you.

To: Kent | Fr: ***
I love you.

Kent
Gusto ko I love you too.

Seen 1:32pm

Napatawa 'ko. Pucha, ano nanaman 'to?

"Marami pa siyang pinapaasang gan'yan. Base sa mga natanong kong babae, lahat sila gan'yan ang pakikitungo sakan'ya. At base rin sa mga nabasa ko sa mga chat niyo, gano'n din turing niya sa'yo. Anong masasabi mo?"

Huwag na kayo magtaka, alam niya password ng facebook ko. At takot 'yong ibang babae diyan, minsan naman nagpapaawa para may malaman.

"Kakausapin ko na lang muna." Sabay ngiting peke kong sabi.

Enough of this drama. I won't waste my time because of an asshole. Talk to him? Meh, don't need.

Alam ko naman 'yang mga pinaggagagawa niya. Ito lang ako, tanga-tangahan. Gano'n naman kasi talaga pag nagmamahal ka, diba?

Tama na, I've had enough.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon