Chapter 4: Just A Dream

542 34 19
                                    

CHAPTER 4

[Just A Dream]

Kinabukasan... field trip na namin! Ang saya-saya!

Teka, field trip na namin?! Ba't parang ambilis naman?

Sasakay na kami sa bus. Girls yung nauna, tapos naka-alphabetical order kami. Sayang, hindi kami pwedeng pumili ng makakatabi! Siguradong ang layo ni Vince sakin nito. Pano ba yan, wala akong makakadaldalan nito? Tapos inunahan pa ako ng katabi ko sa bintana! Gusto ko nasa may window side nakaupo eh!

Nako. Eto na, papasok na yung mga boys. Hindi kaya pwede sakin nalang tumabi si Vince?

"Uy Dianne. Sorry ah, alphabetical order eh."

"Sige, ok lang."

"Mamaya nalang pagbaba sa bus."

Hay. Napunta siya sa bandang likod ng bus, katabi yung mga ibang lalaki. Aasarin na naman s'ya n'yan ng klase sa mga lalaking 'yun. Tsk, good luck na rin sa kanya. 

Andami naman kasing lalaki sa Calvin, 4 lang na babae yung di naabutan ng mga lalaki. Ibig sabihin, may makakatabi ako. Hmm, sino kaya yun?

Mygolly! Si Randel papasok palang ng bus! Pwede ko siyang makatabi!!!

Nako, sana huwag n'ya akong lagpasan! Sana sa akin siya tumabi!!!!!!

"Pwede bang dito nalang ako umupo?" -Randel

"Dyan ka ba dapat umupo?"

"Hindi. Pero mas gusto ko dito kasi andito ka."

GUSTO DAW NIYA AKONG MAKATABI?!?!?!

SHEMAAAAAY! It's too good to be true! POSIBLE BA 'TO? O_______O

KRRRRRING! 

KRRRRRING! 

KRRRRRING!

Teka, ano yun? Bakit nagka-alarm clock sa bus?

KRRRRRING! 

KRRRRRING! 

KRRRRRING!

Dinilat ko mga mata ko. Sheeeeet, wala pala ako sa bus! Eh wala nga naman kasi kaming field trip, lalo na ngayong araw! Hello? Kaka-first day lang namin kahapon, field trip agad?!

PANAGINIP LANG PALA YON?! Badtrip naman talaga oh. 

SAYANG NAMAN!!!! Gusto ko pang malaman kung ano mangyayari samin sa field trip! Yun na yun eh, magkatabi na kaming dalawa!

Anong oras na ba? Baka pwede pa akong matulog...

"5:45 AM"

HALA LAGOT! Baka malate pa ako nito, ayokong mamiss ang Chem at Geom! Major subjects kaya yung dalawang 'yun, kahit ba gusto kong magskip dun.

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon