Previous Page of 4Next Page

Psychedelic Drabbles

Dedicated to
Bee Fukumoto
spinner.gif

Lying Best Ourselves

 

Dedicated to Bee Fukumoto! Eto dapat yung birthday gift ko sa'yo kaso ang lame lang.. plus nirequest mo na lang na Senior Year yung gift kaya di ko na 'to binigay sa'yo. Sayang naman kung hindi mo mababasa, may nagpagawa lang sakin nito XD

PS: Hindi 'to ang eksaktong saloobin ng nagpapagawa sakin ah. Interpretation ko lamang 'to. 

PPS: Medyo waley 'to. Sorry naman.

---

 

The minute people fall in love, we become liars.

 

---

 

"Ano.. wala ka nang sasabihin?"

 

Ngumiti ang babaeng nasa harapan nya, naghihintay ng sagot.

Ano pa nga bang sasabihin nya? Para mas sakto, saan sya magsisimula sa sasabihin nya?

Yumuko sya, tumitig sa sapatos nyang kulay blue at orange, wari'y naghahanap ng sagot sa bawat tahi ng kanyang sapatos. Ano bang dapat sabihin nya? Ilang minuto na lang at.. at... wala na.

 

---

 

Ang mga sumusunod ay ayon sa kanyang bersyon ng kwento.

Sabi nga ng Eraserheads, "There are B-sides to every story."

 

At eto ang kanyang B-side.

 

---

 

Wala pa syang kamalay-malay sa mundo. Simpleng bata, puro laro ang inaatupag.

 

Anong kamalay-malay ng isang Grade 2 student sa mga seryosong bagay gaya ng buhay, death penalty at lalo na ang magulong mundo ng pag-ibig?

 

Wala. Wala syang alam.

 

Bata naman tayo, yan ang excuse. Okay lang magkacrush.

 

Tandang-tanda pa nya ang araw na yon. Petsa? Sinong makakaalala ng exact date ng pangyayaring yon? Wala syang pakialam sa petsa. Ang natatandaan lang nya ay kung gaano kainit ang classroom, ang masangsang na amoy ng kanyang kaklase at.. at..

 

yung batang babaeng nag-aabot ng test papers.

 

Oo, crush nya ang batang nag-aabot ng test papers. Yung iba rin naman nyang kaklaseng lalaki ay ganun din. Sino nga ba naman ang hindi magkakagusto sa cute na batang 'to? Talented. Maganda.

 

Pilyo syang bata dati. Kahit mahaba ang pinapakopya sa kanila ng titser nila sa blackboard, hindi nya muna ito pinansin. Tinitigan lang muna nya ang babae. Ilang minuto pa nang.. makaramdam ito.

 

Nagkatitigan silang dalawa.

 

Grade 2 silang dalawa noon.

 

---

 

Siguro sadyang mapang-asar ang tadhana. Sa mga sumunod na taon ay magkaklase pa rin sila.

 

May naririnig syang kuro-kuro, kesyo may gusto raw sa kanya ang babaeng yon. Kesyo kaya lang ito nakikipagkaibigan sa kanya ay para malaman kung may gusto rin sya sa kanya.

Kalokohan. Elementary? Gusto? Di angkop para sa isang elementary student ang magkagusto! Para sa kanya, pang-matanda lang ang lebel ng salitang gusto. Kasama nito ang mga salitang "derivatives", "term papers" at "hell week", na walang kwenta para sa hamak na Grade 5 student tulad nila.

Pero naging magkaibigan sila. Para bang hindi nangyari ang titigan nila nung Grade 2, na hindi nangyari ang kung anumang chismis na kumalat sa apat na sulok ng kanilang classroom.

 

Simpleng kaibigan, oo. Barkada.

 

---

 

Nagulat na lang sya isang araw na lumayo ang loob ng babae sa kanya.

 

Hindi naman nya ito masisi. Alam nyang nasa point sila ng kanilang buhay na hinahanap ang kanilang sarili. Unting-unti nagbago ang pakitungo ng babae sa mga tao sa paligid nya, pagbabagong hindi nya nagustuhan.

Minsan habang bumibili sya ng ice scramble sa labas ng school ay napapaisip sya, eto na ba ang batang babaeng crush nya nung Grade 2? Nagbago na ba sya?

 

'Napabarkada yan sa maling tao,' narinig nyang sabi ng ibang kaibigan nya habang sila'y naglolocker.

 

Gusto nyang ipagtanggol ang kaibigan, sabihin sa matabil na dilang yon na wala syang karapatang husgahan ang kaibigan nya. Kaso ni isang salita'y hindi nya masabi. Dahil kahit sya'y hinusgahan ang kanyang kaibigan.

 

---

 

Isang araw ay nabalitaan na lang nya na magkaaway na ang dalawa.

 

Nagdadalawang-isip sya sa kung anong dapat nyang gawin. Lalapitan ba nya ito at sasabihing 'Okay lang yan! Nandito pa naman ako eh!' o pagagalitan ito, sasabihan ng "Tanga ka kasi! Pinagpalit mo kami para dyan!"

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (60)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended