Chapter 30: Offer

2.3K 63 16
                                    

Tumigil ang mundo ko sa narinig ko kay Clyde. Ang naririnig ko lang ngayon ay ang tibok ng puso ko. Hindi ko din maialis ang pagtitig ko sa kanya.

Naputol lang yung sandali na yun nung biglang may nagsalita na boses sa utak ko.

'Umayos ka Hannah. Gamitin mo ang utak mo'

Natauhan ako at maingat ko na tinulak ang dibdib ni Clyde.

"Tama na Clyde. Hindi na nakakatuwa tong mga ginagawa mo"

Hinawakan ni Clyde ang braso ko. "Bakit hindi? Kasi alam mo sa sarili mo na nagsasabi ako ng totoo. I did everything that can make you realize that I matter to you. Ang gusto ko lang sabihin mo kung ano ang nararamdaman mo"

Parang may pumutok na ugat sa puso ko sa bigat ng naramdaman ko dahil sa sinabi niya.

"Oo na. Gusto kita. Gustong gusto kita. Yung tipong naiinis ako kung bakit kita gusto. Yung tipong tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ikaw pa"

I let it out. Everything na nararamdaman ko. I just let out. Walang tigil na ang pagluha ko. Nahihiya ako sa mga sinabi ko sa kanya. Dun ko lang naramdaman na isang kalokohan tong ginagawa ko. Na yun pala sa dulo ay hinuhuli niya lang ako para pagtripan.

Mukhang hindi nga ako nagkamali nung bigla na lang siyang ngumiti. Isang malawak na ngiti ang pinakawalan ng labi ni Clyde. Napakunot ako ng noo. Alam kong hindi magandang ideya ang ginawa kong pagamin sa kanya.

"You dont know how you made me happy today because of your confession"

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit pagkatapos niyang sabihin yun.

"You are mine now, Hannah Lim"

Pag pinipikit ko ang mata ko ay yun lang ang nakikita ko. Binantayan ako ni Clyde hanggang sa makatulog ako kagabi. Umupo lang siya sa tabi ng kama at pinagmasdan ako. Hindi na kami nagusap ulit. Para akong nakipagsundo sa demonyo sa pinagusapan namin ni Clyde.

Bigla akong napabangon nung may malakas na katok akong narinig mula sa pintuan ko. Ramdam ko din ang malakas na hangin mula sa nakabukas na pintuan mula sa veranda ng villa na tinutuluyan namin.

"Good morning, my sunshine" ngiting ngiti na binati ako ni Clyde.

Naka tshirt siya ng puti at naka boardshorts na orange at black. Halatang hindi siya bagong gising kasi nakagel na yung buhok niya.

Tumayo ako mula sa kama at inayos ang sarili ko. Napansin ko na maikli pala ang shorts ko at sobrang laki ng tshirt na suot ko.

"Dont you dare go out with those clothes." Papalapit sa akin si Clyde habang sinasabi niya yun. Hindi ko alam ang gagawin kaya naiwan lang akong nakatanga dun.

Huminto siya nung malapit na siya sa akin. Sabay niyang inayos ang buhok ko at nilagay yun sa likod ng tenga ko.

"Hindi ka man lang ba magsasalita?"

"Clyde.." Agad agad kong sabi.

"You are giving me a sweet torture when you are saying my name" pabulong niyang sabi hanggang sa naramdaman ko na lang na dumampi ang labi niya sa noo ko.

"Bakit slow mo ang pakiramdam ko pag kasama kita? Fuck ang corny pero I cant get enough of it"

Binigyan niya ako ng malaking yakap at dahan dahan tong humigpit.

"Hannah, make this true. Please dont break my heart. Alam ko I am not the dependable guy every girl will fall for. I am young and so fucked up pero itong nararamdaman ko sayo, totoo to. I am the guy who is capable of doing any kind of misery but I am willing to show you my vulnerable part. Ikaw yun. Sa tingin ko ikaw ang kahinaan ko kaya ngayong alam mo na, its up to you what to do about it."

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon