Happy Ending (One Shot)

645 13 6
                                    

Happy Ending

by:Janicawhy

Buti pa mga koreanovela, may gwapong antagonist.

Buti pa mga storya sa libro, kahit sobrang dami ng conflict nagkakatuluyan pa din yung bida sa huli.

Buti pa mga magulang ko kahit matanda na sweet pa din.

Buti pa yung iba kahit hindi maganda o gwapo may kasintahan.

Buti pa mga bakla dumadami.

Buti pa mga tomboy sa ibang bansa, magaganda.

Buti pa yung aso namin, madaming nabubuntis.

Buti pa sila..

Buti pa sila masaya..

May nagmamahal naman sa'kin, mga MAGULANG ko. Mga KAIBIGAN ko. Ang LORD. Masaya naman ako pero parang may kulang.

Diba dapat.. sapat na yan?

Diba dapat.. sobrang saya ko na?

Diba dapat.. hindi ako nangi-ngwestyon ngayon?

Diba dapat.. makuntento na sa kung anong meron?

Pero.. kasalanan ko bang.. mag-isip ng.. 

OO NA KASALANAN KO NA!

ANG GUSTO KO LANG NAMAN MAGKAROON NG BOYFRIEND!

Ang dami pang paligoy ligoy! 

LECHE! EDI KAYO NA HINDI NBSB!

EDI KAYO NA MAY BOYFRIEND!

EDI KUNG WALA KAYONG BOYFRIEND O NBSB KAYO MAKAKARELATE KAYO SA MGA PINUPUTAK KO DITO!

Okay. Inhale.. Exhale.. Kalma na tayo.

Srsly? Hindi pa nagsisimula tong storya ko. Teka eto na- 

Btw, Jeni Mendiola nga pala. 

########~

Isa lang naman akong simpleng babae. Madaming kagreen-nan ang pumapasok sa utak ko. Madami akong crush. Nag-aaral ng mabuti. Pumapasok araw araw. Ginagawang inspiration si crush.

Oo alam ko. Madaming ganyan. Minsan nga feelingera at assumera pa ako 'e. E panung magagawa? Wala 'e. Puro basa sa wattpad inatupag o kaya manuod ng Kathniel movies o kaya naman manuod ng Koreanovela ang hilig ko. Panong hindi ako magiging ganun? 

"Huy lumilipad na naman takbo ng utak mo dyan Jeni." kulbit sa'kin ni Angge. Bff ko. Panget siya, mataba, mahaba buhok. Pero swerte. Baket? May boyfriend na GWAPO. Inggit ako shet. Nakagawa kasi siya ng potion pampa-inlove. HAHAHA.  Joooke. Wala pala akong kaibigang panget. 

Happy Ending (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon