Ang Pasko ni Lino by: JL DARK

263 4 8
                                    

Malapit na ang pasko kaya naman abala sa paggawa ng mumunting parol ang labindalawang taong gulang na si Pikolino o mas kilala bilang si Lino.

Mahirap lamang ang kanilang pamilya. Isang magsasaka ang kanyang ama at labandera naman ang kanyang ina. May nakababata syang kapatid. Ang pangalan nito ay Isay. Anim na taong gulang.

Sa isang maliit na kubo lamang sila nakatira at halos wala silang maipanghanda sa tuwing sasapit ang noche buena.

Halos kulang na kulang kasi ang kinikita ni Mang Pedring(tatay ni Lino) para sa kanilang buong mag-anak kaya tumutulong na rin si Aling Thelma(nanay ni Lino) sa paghahanap buhay. Kumukuha sya ng mga labada sa mga kapitbahay para kahit papaano ay madagdagan ang kanilang kita. Pero talagang kulang na kulang pa rin ito para sa buong araw na gastusin. May sakit kasi sa puso si Isay kaya kailangan rin nilang tugunan ang pangangailangan nito sa gamot. Pero kahit ganun ay masaya pa rin ang kanilang pamilya at lahat ay nagmamahalan.

Halos malapit nang matapos noon ni Lino ang ginagawa nyang parol.

Yari lamang ito sa dahon ng saging na idinikit sa maliliit na stick ng kawayan.

"Yes! Tapos na ang parol ko! Ipapakita ko ito kina nanay at tatay!" ani nya matapos nyang magawa ang parol.

Tinungo nya ang kanyang ina na noon ay abala sa paghuhugas ng pinggan. Pinakita nya ang kanyang gawa dito.

"NAY, tignan nyo po ang gawa ko. Ang ganda, di'ba?" sabay pakita ng parol.

Itinigil muna ni Aling Thelma ginagawa at tinignan ang gawa ng anak.

"Wow, ang ganda namang palaspas nyan, anak. Pero dapat ay sa semana santa ka na gumawa nyan?" may halong paghanga at pagtataka ng kanyang ina.

"Nay, parol po ito!" pagtutuwid nya.

"H-Ha? Parol ba yan? Pagpasensyahan mo na ang nanay mo't malabo na kasi ang paningin."

"Ayos lang po, Nay. Isasabit ko na lamang po sa labas para makita ni tatay pag-uwi nya."

Mabuti pa nga anak. Siguradong matutuwa yon dahil sa gawa mo."

"OPO!"

Isinabit ni Lino ang gawa nyang parol sa labas ng kanilang bahay.

Makalipas ang ilang sandali ay umuwi na rin si Mang Pedring pero mababakas sa mukha nito ang pagtataka.

Kasalukuyan namang inihahain noon ni Aling Thelma ang kanilang pananghalian na kamote at laing.

"Ah, Thelma, bakit may nakasabit na palaspas sa labas ng bahay natin gayong wala pa namang semana santa?" pagtataka ni Mang Pedring.

Si Lino na ang nagsalita.

"Tay, parol po iyon. Ako po ang gumawa nun kanina at isinabit ko sa labas." paliwanag nya.

"Parol ba 'yon? Ay, pagpasensyahan mo na ang tatay mo't malabo na ata ang paningin."

"Ayos lang po 'yon, tay,"

"Kumain na kayo," ani Aling Thelma, "Alam kong Pagod ka pa sa bukid, Pedring."

"Salamat, Thelma. Napakain na ba si Isay?" tanong nito.

"Papakainin ko pa lang sya ngayon."

Kumuha ng pagkain si Aling Thelma at pinuntahan ang anak na si Isay.

Nakaratay ito sa higaan at halos nanghihina na ang buong katawan dulot na rin ng sakit nito.

"Anak, kumain ka na muna," si Aling Thelma habang kumutsara ng pagkain at akmang isusubo sa anak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Pasko ni Lino  by: JL DARKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon