Entry 1

634 33 16
                                    

LETTER FROM THE FUTURE

Chapter 1

 -----

 

*PAK!*

 

I was painfully hit by my father.

Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko, at napatingin kay Papa.

 

“Hindi kita pinalaki ng ganito, Hanna! Are you out of your mind!? Alam mo ba ang ginagawa mo, ha?!”

Diretso kong tinignan si Papa at tumungo, “Sorry, Papa…”

Napahawak siya sa noo niya at tinignan ako gamit ang mga matang punong-puno ng galit. Napatungo ulit ako at hindi na nagsalita. Naramdaman ko nalang na lumabas na si Papa sa loob ng kwarto at nakahinga na ko ng maluwag.

Tinitigan ko ang kwartong hinihigaan ko. Naisip ko lang, ilang beses na ba ako napunta sa malamig at puting kwarto na ‘to? A hospital room…

I don’t even know why… but this life is really just sad and painful.

Hindi ko nga naramdaman ang sakit ng pagsampal sakin ni Papa eh. Masyado na kong manhid sa sakit… masyado na kong manhid sa gamot…

Bakit ko nga ba ‘to ginagawa? This is the third time… I attempted suicide.

Gusto ko.

Gustong-gusto ko. Pagod na pagod na akong maging isang manika. Sukang-suka na ko, hirap na hirap na ko mabuhay sa buhay na gusto nila para sakin…

Para saan pa at nabubuhay ako? Nabubuhay ako para sa kanila, hindi para sa sarili ko.

I feel suffocated each time I enter our house.

This is not me…  I want to be myself. Pero paano ko gagawin yun, kung hindi nila ako binibigyan ng chance?

Because of my suicide attempts… I can’t play the piano anymore.

Every time I tried to play it, my fingers feel numb and I can’t play a single note. I became scared of the piano itself.

The piano I loved so much… became such a scary thing for me.

Para akong katawan na walang pag-iisip. Na gagalaw lang kapag inutusan, na walang karapatang magsalita kung walang hudyat.

LETTER FROM THE FUTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon