Chapter 47

75.6K 1.1K 55
                                    

(Edited)

Dedicated sakanya. Hahaha salamat sa pagsupport ng story ko! sa pagtitiis na pagbabasa ng kalokohang ito. Hahahhaa maraming salamat po! Sana po nanjna parin kayo hanggang huli!!

PnG's tone: *ten ten ten ten ten*

Warning: Ang susmusunod na babasahin ay puros kalandian. Sana kiligin kayo sa kalandiang taglay ng mga karakter. Eksdi. Unedited kaya pakiintindi narin po ang typos. Kamsahamnidaaaa

~~

Frisa's POV

"Chanyeo- sinong kausap nun?"

Nandito ako sa labas ng school. Wala kasi akong kasama eh. Si Julia bigla biglang nawawala! Miss ko na nga si bespren!

Nakita ko si Chanyeol na tawa ng tawa habang may kausap na babae.

Babae?!

Bakit siya may kausap na babae?!

Lumapit ako ng konti para marinig yung pinaguusapan nila. Alam ko naman na masamang makinig sa usapan ng iba. Pero kasi... si Chanyeol ko to!

"Hahaha oo nga! Tapos naaalala mo pa nung nadapa ka nun! Tapos... tapos... pft! Hahahahahaha!" Natatawang sabi ni Chanyeol.

"Naman eh! Wag mo na ngang ipaalala yun! Inis!" Sabi naman nung babae sabay hinampas pa si Chanyeol ko.

Peste siya! Wala siyang karapatang hampas hampasin yan! Ako lang ang meron! Leshe!

"Ehem." Pagpaparinig ko at napalingon naman sila sa direksyon ko.

"Oh! Frisa! Nanjan ka pala. Kanina ka pa jan?." Tanong naman ni Chanyeol.

"Bakit? Kung wala ba ako mambababae ka?" Sarap sabihin sakanya yan pero dahil mabait ako, hindi ko yan sinabi.

"Ah hindi naman. Kakarating ko lang. Sino siya?" Tanong ko sabay tinignan siya mula ulo hanggang paa.

Leshe! bakit ang ganda niya? Wala tuloy akong mailait!

"Oh? Insecure ka?" Mataray na sabi niya sabay pumamewang pa. Kala mo ikaw lang mataray? Aba!

Tinaasan ko siya ng kilay, mas mataas pa sa kilay niya. Magsasalita na sana ako ng umepal yung mga mokong. Panira nang moment ang mga leste.

"Oh! Janice! Kakauwi mo lang?" Tanong ni Kyungsoo sakaniya.

"Oo nga? Pasalubong namin?" Sabi naman ni Luhan

"Kailan ka pa nakauwi?" Dagdag pa ni Chen.

"Welcome back!" Sabi naman ni Sehun.

Close din sila? Bakit? Ex ba to ni Chanyeol? Pero diba dapat hindi na sila close kung mag ex sila? Hindi naman niya sila pinansin at tinaasan pa ako lalo ng kilay. Don't stop being confident Frisa. Baka nangutang lang sakanila dati yan kaya close sila.

Feeling niya ikinaganda niya yang pagtataas niya ng kilay? Pwes oo! Peste siya!

"Insecure agad? Hindi ba pwedeng hinahanap ko ang mukha? Puro kuko kasi ang nakikita ko. Take note, patay na kuko." Mataray na sabi ko.

Sige magsinungaling ka Frisa! Eh mas maganda pa nga ata yan sayo!

Literal na napanganga si Chanyeol at ang iba pang kaibigan niya. Kung inaakala niya na anghel ako, pwes tama siya! Pero pag nagselos ako, wag ka! Nag eevolve ako!

"Ah ano Fris-" Hindi na niya pinatapos si Luhan at tinaasan pa ako nang kilay. Langhiya, may maitataas pa ang kilay niya?! Pwes ang akin wala na!

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon