Chapter 17

238K 4.2K 376
                                    

(3/27/2014)

17. 

“Shit!” Yan lang ang nasabi ko nung tumama ang kamao ni Emerson sa mukha ni Jayson. Teka! Bakit sinuntok ni Emer si Jayson?

“Walang hiya ka! Akala ko mabuti kang tao. Tinuring pa kitang kaibigan, yun pala bantay salakay ka. Demonyo ka!” At isang suntok ulit. Napapikit ako at pagdilat ko nakita kong natumba si Jayson at tumatayo na. Ayaw ko naman pumagitna sa kanila baka ako pa ang masuntok.

“Hindi ko naman kasalanan kung uto uto ka at naniwala ka sa akin. Sinabi ko lang ang opinyon ko pero hindi ko sinabing hiwalayan mo si Roselyn.” At nakuha ang atensiyon ko dahil sa sinabi ni Jayson. Susuntukin na sana ulit ni Emer si Jayson nung lumapit na ako.

“Teka lang. Tumigil nga kayo! Nasa clinic ko kayo at wala kayo sa boxing ring baka nakakalimutan niyo. Ngayon sabihin niyo sa akin, bakit kayo nag aaway.” Napatingin ako kay Emerson tapos kay Jayson. Nagtinginan naman ang dalawa ng masama.

“Eh kasi ang walanghiyang yan ang dahilan kung bakit naghiwalay tayo. Siya ang nagtanim ng idea sa utak ko na ang mga lalaki hindi dapat under. Na ang mga lalaki hindi nagpapasakop sa mga babae. Na hindi dapat ang mga babae lang ang nasusunod sa isang relasyon.” At habang tumatagal ang explanation ni Ermerson, lalong kumukunot ang noo ko at nagsimulang uminit ang ulo ko.

So ito pala ang ang dahilan kung bakit ganun bigla ang naging ugali ni Emer. May demonyo palang nagbulong sa kanya. Pero kahit na, kung hindi siya naniwala kay Jayson malamang maayos pa ngayon ang relasyon namin.

Parang bumalik ang scene ng Temptation of Eve. Si Emerson si Eve at si Jayson naman ang ahas. Tama nga, may pagka-ahas itong si Jayson at si Emerson naman, mas masahol pa sa babae kung maniwala sa tsismis.

“Come here, both of you. Sumunod kayo sa akin. Fe, paki close ng clinic.” Sabi ko in a controlled voice. Pinilit kong itago ang galit ko habang naglalakad ako papuntang session room.

“Lumapit kayo sa akin.”Sabi ko pa at nung malapit na sila binatukan ko silang dalawa.

“Anong akala niyo sa akin? Prize sa Bingo?” Hindi ko magawang tapusin ang gusto kong sabihin dahil sa sobrang gigil ko. Kulang na lang batuhin ko silang dalawa ng sofa.

“Ikaw Emerson, kunting sulsol lang, naniwala ka naman agad. Wala ka bang sariling desisyon? Wala ka bang sariling paninindigan? My God! Ano ang tingin mo sa akin? Na pag nag-asawa tayo aalilain kita? Ganyan ba ang tingin mo sa akin?”Nag uusok ang ilong ko habang sinasabi ko yun sa harap ni Emerson. Kahit sino naman sigurong babae maiinsulto sa ginawa nito. Naturingan ko pa siyang fiance pero ganun pala ako kababaw sa paningin niya. His faith in me is just too shallow.

“Hannah, honey, nagsisi naman ako. Narealize ko naman na ang kamalian ko. Kaya nga andito ako ngayon. I am asking for your forgiveness. And I promise na hindi na ako makikinig…”I raised my hand to stop him. Ayoko na! Ayoko ng makinig sa mga sasabihin niya.

“Kahit na! Kahit na nagsisi ka pa. The point is naniwala ka pa din. And don’t promise me anything because I don’t need your promises.” 

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon