Chapter 18

36.1K 855 102
                                    

Chapter 18

            “Bakante yung tent #10. Yun na lang sa inyo…” tinuro nung Alejandra yung tent bandang dulo sa hilera. Nakita ko na nakapaikot yung mga tent doon at sa bandang gitna ay may malaking bonfire. Ito na yung sinasabi nila Amanda at Lyka na camping trip na hindi ko naman gustong puntahan pero nasama pa rin ako. Si Alejandra yata ang main organizer ng event dahil siya yung may hawak ng clipboard at nagsasabi sa mga tao kung saan sila dapat matutulog.

            Siyempre si Alex kasama ko na naman dahil hindi naman yun magpapaiwan. Nakasunod lang siya sa akin the whole time kahit na wala namang nakakakita sa kanya. Unfortunately, right behind Alex eh si Jax—ang ride ko lang naman sa event na ito.

            Nung una hindi ko ineexpect na magiging ride ko si Jax, pero ako rin naman ang nag-end up na pumilit sa kanya sumama. Nagpapa-importante pa nga ang mokong nung una, pero pumayag din naman siya. Nung nagpaalam ako kay Daddy na three days, two nights, akong mawawala at magda-drive ako an hour and a half papuntang Log Cabin, automatically na hindi agad ang sagot ni Daddy. Ayaw daw niya akong mag-drive.

            “What about that De Chavez boy? Hindi ba siya sasama?” tinanong ni Daddy sa akin.

            “Hindi ko alam kung sasama siya Dad.” I answered back.

            “I’ll let you go if he’s going to drive you. Other than that, it’s a ‘no.’”

            It was pretty much a no-go kung hindi si Jax, so I ended up asking him for a favor. Ang saklap nga lang, pakiramdam ko na gagamitin na naman niya itong utang na loob ko na ito sometime in the future. As much as possible, ayaw ko pa naman na nagkaka-utang na loob kay Jax. It's like making a deal with the devil.

            I guess medyo nasasanay na si Jax kay Alex kasi hindi na over-the-top yung masama niyang ugali. I mean he’s still pretty much the same, unless ako lang yung nasasanay na sa kanya?

            “Oh, HELL NO!” narinig ko na may nagsalita nung nakarating kami nila Jax (and Alex na hindi nakikita) doon sa tent number 10. Nakita ko na nakatayo doon si Trixie, Amanda at si Lyka. Si Trixie yung nag-react kaagad nung nakita niya ako, “Hindi ka makiki-share ng tent sa amin.”

            Magre-react na sana ako kaya lang si Jax naman ang nakisabat doon sa usapan, “Really? Great. Ayaw ko naman mahawa pa sa inyo si Zoe. Air is a little bit polluted here. . .”

            I guess parang na-hurt si Trixie sa sinabi ni Jax. Crush pa naman niya yung lalaki na ito. Hindi na tuloy nakasagot si Trixie kasi parang siya yung napahiya. There’s always someone in my defense, so parang ang lucky ko naman talaga. I’m thankful na rin kay Jax dahil ginawa niya yun. He stood up for me, and that goes a long way.

            Hindi pa kami nakakaalis doon sa kinatatayuan namin nung may isang babae na nagsalita doon sa tent na katabi lang ng tent nila Trixie, “Gusto mong mag-join sa tent namin?” Nung tumingin ako, nandun yung isang babae with brown hair at nakasumbrebo ng kulay pink. Naka-t-shirt siya na may pangalan na ibang school.

            I didn’t really see any harm in it, “Sure.” Sagot ko naman kaagad.

            Nung lumapit ako sa kanya, napakunut-noo siya at napatingin siya kung sino yung nakasunod sa akin. Wala namang ibang nakatayo doon sa likod ko kung hindi si Jax.

            “JM?” I heard her say nung una, “Jaxon Miguel?”

            Saka lang naging interested si Jax nung narinig niya yung pangalan niya. Nung una hindi pa niya nakilala kung sino yung babae, pero saglit lang, parang nag-click kung sino dahil nag-clear yung mukha niya, “Robin?”

The Sacred Rule of Love - (PUBLISHED 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon