Previous Page of 2Next Page

Mascot (Short story)

Dedicated to
iwantpeaches
spinner.gif



Mascot


Part 1

 

“Bakit ang mga tao ang hilig humanap ng love life, pero pag nagkaroon na sila, di naman nila pinapahalagahan.”

“Oo nga no? Bakit kaya?”

“Ay tae. Grabe ka naman kuya, nakakatakot ka.”

“Sorry ha? Di ko naman sadya.”

“Ay, hindi. Nagulat lang ako kasi bigla akong kinausap ng mascot.”

“Haha, weird ba pag ganun? O sige iwan na kita.”

“Ay si kuya naman nagtampo. Samahan mo muna ako, feeling ko naman eh break mo.”

“Osige, may bayad to.”

“Ay sige kuya, umalis ka na pala. Hehehe.”

“Ikaw naman, hindi ka mabiro. Bat ka ba mag isa?”

“Wala lang, gusto ko lang makapag isa.”

“Eh kung gusto mo makapag isa eh bakit mo ko pinag stay dito?”

 

Hindi ko na sinagot, baka mabanas pa ako. Sira na nga yung araw ko sa school eh, pati ba naman dito. Nilayasan ko na lang si kuyang nakamascot. Bastos ba? Haha, ganoon talaga ang life. Mag sorry na lang ako misan pag nagkita ulit kami.

 

Tinatanong niyo kung bakit gusto kong makapag isa? Kasi ganito, yung isa kong kaibigan na babae eh hindi makatuntento sa iisang lalaki. Aba, gustong gusto makalove life pero ayaw pahalagahan kaya iyon iniiwan siya. Eh nginangawaan ako kaya nabanas ako. Ako nga gustong gusto ko mag kalove life pero hindi magkaroon eh.

 

“Ma, nandito na po ako!”

“Kain ka na anak! Nakahain na eh.”

 

After kong kumain eh naglinis then natulog na ako. Wala namang assignment eh so pwede na akong matulog.

 

“Good morning Kimmy!”

“Morning din.”

“Oh, why so sad naman ng BFF ko?”

“Wala lang ako sa mood.”

“Weh? Gusto mo lang ata magpalibre ng ice cream eh.”

“Hehehe, pwede din.”

“Osige mamayang uwian.”

“Salamat Angelo.”

“BFF naman eh, Angela sabi eh.” Obviously, bading tong kaibigan ko. Ewan ko nga kung bakit eh, gwapo pa naman.

 

“Aray! Ano ba?!”

“Ah miss, sorry di ko sadya.”

“Ewan ko sayo.”

 

Nilayasan ko na lang baka mabugbog ko pa. Sayang pa naman ang mukha, gwapo eh.

 

“BFF, bakit naman ganoon ka! Ang gwapo kaya nun! Sinayang mo yung chance na magkalove life!”

“Whatever Angelo, baka sayo ko mabuhos galit ko kaya manahimik ka dyan.”

“Osige, quiet na ako.”

 

Pumunta na kami sa room namin kasi malapit na mag start ang class namin. Tapos pagdating ba naman eh panay tanong yung mga kaibigan ko kung bakit ako nakasimangot. Sinamaan ko na lang ng tingin.

 

“Aray ko naman! Ikaw na naman! Pangalawa na to ha! Pag naging tatlo humanda ka na!”

“Sorry talaga miss! Hindi ko naman sinasadya eh.”

 

Gaya nung una eh iniwan ko siya. Wala akong panahon makipagusap kasi nababanas ako. At ililibre ako ni Angela ng ice cream kaya kailangan ko ng pumunta sa DQ.

 

“You’re late.”

“Sorry naman, may nakabangga na naman eh.”

“K fine, osige eto pera order ka na tapos order mo na rin ako.”

“Oh bakit ako? Ikaw na.”

“Aba, kaw na nga lang tong nililibre eh may gana ka pang magreklamo. Hala sige lakad na! Hahaba ang pila.”

 

Papunta na ako sa counter ng may bumunggo na naman sa akin. And this time eh napaupo na ako.

“Aray! Ikaw na naman! Ano bang gusto mo pangatlo na to!”

“Sorry miss talaga.”

“Sorry ka ng sorry! Eh may magagawa ba yan para mawala ang sakit sa pwet ko!”

“Gagawin ko na lang ang gusto mo, kahit ano mapatawad mo lang ako.” Napaisip ako sa sinabi niya. Tutal nahihirapan akong intindihin yung trigo, papatutor na lang ako. Mukha namang matalino.

“Kahit ano talaga?”

“Oo, wag lang ang pumatay or magpakamatay.”

“Tanga, hindi ako ganoon kasama. Ok, magiging tutor kita hanggang exam. Everyday sa library at be there at exactly 3:00 pm.”

“Osige, makakaasa ka. Pero wait. Saang subject ba?”

“Sa Trigo.”

 

After noon eh dumiretso na ako sa counter. Baka magtaka na si Angela kasi ang tagal ko, bubungangaan pa ako noon. Mahirap na, madami pa namang tao ngayon.

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (12)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Recommended

Certified Fan (KathNiel/OneShot)One Day with you (SHINee) COMPLETEDThe Unforgettable SwitchThe Movie