Previous Page of 4Next Page

The Heartbreaker Meets The Man-hater (EDITING AND REVISING)

spinner.gif

Chapter 12

Mamaw ka! 

Lian’s POV

Papunta kami ngayon sa tambayan ng 12 Demons at  malayo pa lamang kami ay rinig na rinig ko na sila. Ang gugulo talaga nila kahit kelan. Pagkadating namin ay naabutan naman namin sila na nagkakagulo. Napailing na lang ako ng dahil sa kanila. Madalas naman nilang pagkaguluhan si Zen, sobra kaya nilang i-bully si Zen pero kahit ganun, alam kong tuwang-tuwa sila kay Zen kahit ang slow niya talaga.

“Mabebs!!!!!!!!!!!!!!!” sabay-sabay na sabi nila ng makita na nila ako. Itinigil nila ang ginagawa nila at itinuon ang atensyon sa amin.

 

“Hello! Kamusta?”

 

“Ayos naman Mabebs” sagot ni Cam…

 

“Hello Isabelle!”

Napatingin naman kaming lahat kay Gio na kababati lang sakin at talagang ang lapad ng ngiti niya ah! Nanlalaki an gaming mata at literal kaming napanganga dahil sa kanya. Laglag panga at eyeballs ang peg namin ngayon. Anong nangyari sa kanya? Nasapian ba siya ng masamang espirito?

“Leader, anyare sayo?” – Adam

 

“May sakit ka ba?” – Bogs

 

“Mamamatay ka na ba?” – Luis

 

“ANO?! MAMAMATAY NA SI GIO?! Leader! Anong nangyari sayo?!” OA na sabi ni Zen at niyakap pa niya talaga si Gio! Hahaha! Parang tanga lang eh.

 

Itinulak naman niya palayo si Zen at sinamaan ito ng tingin… “ANO BA!? Wag mo nga akong yakapin! You’re giving me goosebumps! Kadiri ‘to! Lumayo ka nga sakin!”

 

“Kung ganun, hindi ka mamamatay?” – Zen

 

“Of course not! Idiot!”

 

“Eh anong nangyayari sayo? Bakit binati mo si Mabebs?” – Rex

 

“Masama na bang bumati ngayon ha?” – Gio

 

“Hindi naman pero bakit naman ang bait mo yata sa kanya?” – Rex

 

Sinamaan lamang niya ng tingin ang mga kasama niya… “Tss. Bahala na nga kayo dyan” tumingin naman siya sakin at ngumiti… “Isabelle, wala ba man lang ‘Hi’ dyan?”

 

“O edi Hi" walang gana kong sabi ko sa kanya…

Anong bang nangyayari dito sa lalakeng to? Napakaweird niya talaga…

“Bakit ka ba nagkakaganyan? Anong nangyayari sayo?” tanong ko sa kanya…

 

“May amnesia ka ba? Nakalimutan mo na ba yung condition na pinagagawa mo sakin?”

 

Condition? Ano yun?

 

Isip…

 

Isip…

 

Isip….

 

Ah oo! Yung condition na hindi na niya ko sisigawan at aawayin ng 4 weeks kapalit ng pagtulong ko sa kanya ng paghahanap ng regalo ng kapatid niya! Kaya pala bigla na lamang siyang bumait at nag-iba ang aura. Kaya pala imbis na bulyaw ang makuha ko sa kanya sa pagdating ko ay talagang binati pa niya ako.

“Oo, tanda ko na. Seryoso ka talaga sa bagay na ‘yun?” akala ko kasi siya ‘yung tipo na hindi tumutupad sa mga ganun eh. Well, akala ko lang pala. 

 

“Oo naman! Bakit ayaw mo ba?” nakangising sabi niya.

 

Napaisip naman ako sa tanong niya… “Ayaw ko” Ayoko ng matuloy ‘yung condition na ‘yun. Mas gusto ko siyang kaaway. Hahaha! Mas nag-eenjoy kasi ako kapag kaaway ko siya eh. Parang vitamins ko na ‘yun sa araw-araw.

 

“You mean, pwede na kitang awayin?” nakangising tanong niya sa akin…

 

Pinantayan ko din ang ngisi niya. Aba magngingisian na lang ba kami dito? HAHAHA! “I mean, pwede na KITANG awayin”

Natuon naman ang atensyon nilang lahat sa aming dalawa…

“Teka teka, ano bang nangyayari dito?” – Yvonne

 

“Oo nga! Ano ba yang pinag-uusapn niyo?” – Jelyn

 

“Hindi kami maka-relate!” – Tamara

 

“Honeypie! Andito pala kayo?!” gulat na tanong ni Rex kay Yvonne…

 

“Oo nga Jelyn my labs! Andito ka pala?” sabi naman ni Zen kay Jelyn…

 

“BUTI NAMAN NAPANSIN NIYO!” sabay na sabi ni Jelyn at Yvonne.

Napatawa na lang ako sa kanilang apat. May pagka-abnormal talaga itong si Rex at Zen. Kanina pa nandito ‘yung mga jowa nila, ngayon lang nila napansin. Ayan tuloy, parehong nagtampo. Kaya ang kinapatakan, kanya-kanya silang suyuan.

“Umalis ka na dito Isabelle, shoo! Punta na sa room mo! Pampasikip ka lang dito”

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (13)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Chapter 12

Cast

Yoon Eun Hyeas Lian Isabelle Solis
Choi Seung Hyunas Gio Andrei Dela Vega
Lee Chi Hoonas Rexter Cruz
Nickhunas Zenji Cueto
Koike Teppeias Erzo Marquez
Lee Min Jungas Yvonne Zaraspe
Keiko Kitagawaas Tamara Sanchez
Victoriaas Jelyn Go

Who's Reading

Recommended