Chapter 12

Mamaw ka! 

Lian’s POV

Papunta kami ngayon sa tambayan ng 12 Demons at  malayo pa lamang kami ay rinig na rinig ko na sila. Ang gugulo talaga nila kahit kelan. Pagkadating namin ay naabutan naman namin sila na nagkakagulo. Napailing na lang ako ng dahil sa kanila. Madalas naman nilang pagkaguluhan si Zen, sobra kaya nilang i-bully si Zen pero kahit ganun, alam kong tuwang-tuwa sila kay Zen kahit ang slow niya talaga.

“Mabebs!!!!!!!!!!!!!!!” sabay-sabay na sabi nila ng makita na nila ako. Itinigil nila ang ginagawa nila at itinuon ang atensyon sa amin.

“Hello! Kamusta?”

“Ayos naman Mabebs” sagot ni Cam…

“Hello Isabelle!”

Napatingin naman kaming lahat kay Gio na kababati lang sakin at talagang ang lapad ng ngiti niya ah! Nanlalaki an gaming mata at literal kaming napanganga dahil sa kanya. Laglag panga at eyeballs ang peg namin ngayon. Anong nangyari sa kanya? Nasapian ba siya ng masamang espirito?

“Leader, anyare sayo?” – Adam

“May sakit ka ba?” – Bogs

“Mamamatay ka na ba?” – Luis

“ANO?! MAMAMATAY NA SI GIO?! Leader! Anong nangyari sayo?!” OA na sabi ni Zen at niyakap pa niya talaga si Gio! Hahaha! Parang tanga lang eh.

Itinulak naman niya palayo si Zen at sinamaan ito ng tingin… “ANO BA!? Wag mo nga akong yakapin! You’re giving me goosebumps! Kadiri ‘to! Lumayo ka nga sakin!”

“Kung ganun, hindi ka mamamatay?” – Zen

“Of course not! Idiot!”

“Eh anong nangyayari sayo? Bakit binati mo si Mabebs?” – Rex

“Masama na bang bumati ngayon ha?” – Gio

“Hindi naman pero bakit naman ang bait mo yata sa kanya?” – Rex

Sinamaan lamang niya ng tingin ang mga kasama niya… “Tss. Bahala na nga kayo dyan” tumingin naman siya sakin at ngumiti… “Isabelle, wala ba man lang ‘Hi’ dyan?”

“O edi Hi" walang gana kong sabi ko sa kanya…

Anong bang nangyayari dito sa lalakeng to? Napakaweird niya talaga…

“Bakit ka ba nagkakaganyan? Anong nangyayari sayo?” tanong ko sa kanya…

“May amnesia ka ba? Nakalimutan mo na ba yung condition na pinagagawa mo sakin?”

Condition? Ano yun?

Isip…

Isip…