Season 2 |Q| >> #TheTruthAboutUs (PART ONE)

54.6K 614 59
                                    

Season 2 Chapter |Q| >> #TheTruthAboutUs (PART ONE)

Gem’s POV

 “Ilang beses ko ba sasabihin sa’yo niloloko ka lang niya?!”

“Oh for the love of god Jade! Ano bang problem among etchosera ka Ha?! Ae is my friend. He’s your friend too! Bakit mo ba siya pinagdududahan?”

“Because he f-ucking tricked me! NILOKO NIYA AKO! GAB! Ano ba? Can you just please listen to me?! Can’t you see? He’s a freaking traitor! Evidences are all over the net! Godd-amn it!”

“I don’t believe you,”

“Seriously? Hindi pa ba sapat na ipinakita ko ang text niya?!”

“It’s just a text, Jade. Baka na wrong sent lang siya. You assume without asking him first. You’re the one that’s out of line here,”

“Am I what!? You! Son of a----“

Simula nang magkita kita kaming tatlo sa hospital in our early teens, particulary sa Neuro department ng Hospital, naging instant besfriend na kami nila Jade at Belle.

 Eventhough minsan gumagana ang pagka bipolar ni Belle at napagdidiskitahan niya kami, si Jade naman kaka undergo lang nang endovascular coiling sa kanyang unruptured brain aneurysm at ako na paminsan minsang sumasakit ang ulo dala ng pagkakaroon ko nang Pseudo-tumor Cerebri hindi pa rin yun hadlang para maging magkakaibagan kami kalaunan.

 Yes I know, the three of us became this bitchy and brain damaged trio. Yun nga siguro ang dahilan kung bakit kami nagkasundo in the first place e. Lahat kami may sira sa utak. 

Well,  kidding aside, we’re happy with each other. And we know too much about each other na alam ko kung kailan malungkot, naiinis o simpleng sasabog na dahil sa galit ang isa sa amin. Basically we know each other very well…Except those things that Belle won’t share with us.

At ngayon, sigurado ako na sa tono nang pagsasalita ni Jade at sa amount nang pagmumurang sinasabi niya, I’m sure konting pagsagot lang sa kanya ni Gab ngayon, may mababalitaan na tayong patay na bakla kinabukasan.

“Hey! Hey, tigilan niyo na nga yan pwede ba? Can you explain to me what happened here please?” Sinubukan kong awatin silang dalawa dahil naka-amba nang sasabunutan ni Jade si Gab pagpasok ko ng Condo.

“Thank god you’re here Gem! Can you talk to Jade? Pinagpipilitan niyang sinungaling si Ae ko,” Gab said immediately nang makita niya ako. Nag pout siya at nag mukhang kawawa sa akin. 

“Gabriel Lim! Don’t make me the bad person here! Gem look,” Humingang malalim si Jade matapos ini-abot niya sa akin ang iphone niya. Napaupo siya sa couch at ganun din si Gab, pero sa kabilang dulo nga lang. Halata na may tension pa din sa kanila.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon