Chapter 40

144K 2.2K 288
                                    

Chapter 40

SYDNEY'S POV

It's been weeks since Andrei's birthday but the memories of that night are still fresh on my mind. At tuwing naaalala ko ang mga nangyari, parang magic na nakakaramdam ako ng overwhelming happiness.

Andrei on the other hand is still the same. Mas naging caring at protective nga lang siya sa akin ngayon. Hinahatid sundo niya ako araw araw. Tinatawagan niya ako oras oras para tanungin kung kamusta ang pakiramdam ko. At minuminuto niya ako tinatanong kung may kailangan ako.

He treats me like I'm a pregnant woman. Pero sa totoo lang, hindi pa namin alam kung may nabuo ba kami. At natatakot akong madisappoint siya kung wala. Because the way he acts this past few weeks, parang excited na excited siyang magkaron ng baby. It's as if sobrang ready na siya to be a father.

He would always ask kung may morning sickness ba ako o kung nahihilo ba ako o kung may gusto ba akong pagkain.

At nag-aalala ako kasi wala akong nararamdaman na pagbabago sa katawan ko. Hindi ko alam kung dahil maaga pa para makaramdam ng symptoms pero sigurado akong dapat kahit papano may changes na akong maramdaman. And I cannot trust my menstrual cycle because it's always been irregular.

"Babe, okay ka na ba? Pwede na ba tayong umalis?" Andrei said nung pumasok siya sa kwarto namin.

Nahalata niya sigurong may hindi tama kaya nilapitan niya ako at tumabi sa pagkakaupo ko sa kama.

"May problema ba? May masakit ba sa'yo?" tanong niya habang pinagsisiklop ang mga kamay namin.

Plano namin na pumunta sa ospital ngayon. Like I said, excited si Andrei malaman kung meron bang laman ang tiyan ko. And he doesn't want me to take pregnancy tests. Gusto niya yung sigurado agad ang results.

"Wala naman. Kinakabahan lang ako." I said to him. "Babe, paano kung hindi ako buntis? Magagalit ka ba?" Hindi ko na napigilang magtanong sa kanya.

Narinig ko ang mahina niyang tawa.

"Is that what you've been worried about? " tanong niya habang nilalaro laro ang kamay ko.

Tumango ako. I saw him smile genuinely at me.

"Babe, I know I've been putting too much pressure on you. Pero believe me, I am not expecting anything. Siguro naghohope ako na kahit papano magkababy na tayo pero I promise you, kung wala pa, it's fine with me. Siguro hindi pa talaga time para sa atin. Baka hindi pa tayo ganun kaready kaya hindi pa ibibigay. Pero kung meron man, then I hope it's a boy." He said and started rubbing my tummy.

Natawa ako sa sinabi niya. He just said he's not expecting anything pero wala pa man si baby, gender na agad ang gusto niyang malaman. Pero kahit ganun, nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Alam ko kahit ano man ang maging resulta, he will still be by my side.

The whole drive to the hospital was so enjoyable. We talked about how we would name our baby. And it's funny how we only talked of names for boys. Gusto niya talagang lalaki ang maging anak namin.

I suggested that we should name our baby after him. There's nothing I would want more than having two Andreis in my life.

"Andrei Sanchez Jr. What do you think?" I said to him. I saw how he considered the name. Pero ngumiwi siya so I guess he doesn't like the idea.

"As much as I'd like a junior, I want our baby to have both our names."

Wala akong maisip na maayos na pangalan using both our names. Sydrei? Anney? Natawa ako sa mga naiisip ko.

"How about we name him prince? Prince Andrei. I'll treat him like a prince so that name will surely fit him."

Sa totoo lang, nahawa na ako sa excitement niya. And I always find myself unconsciously rubbing my tummy. At kapag nakikita ako ni Andrei na ginagawa yun, he would always hold my hand and kiss it. Then he would start talking to my tummy.

You are My Home (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon