.MHM.33- MEAN APPLE

8.1K 101 5
                                    

APPLE's POV

Ano bang nagawa ni Cloud? bukod dun, sobrang bilis pa nyang magpatakbo

"James, dahan-dahan lang" hindi nya ako pinansin

hinigpitan ko na lang ang hawak sa seatbelt ko patuloy lang akong nagdarasal na sana hindi matuloy ito, natatakot na ako

"James sandali!" sigaw ko kasi basta na lang sya bumaba sa sasakyan ng makarating na kami ng school

"James!" patuloy lang ako sa pagsigaw at patuloy lang din sya sa paglalakad ng mabilis, sana hindi nya makita si cloud, sana nakauwi na sya

Nagulat ako ng makita kong nagtatakbuhan palabas ng gym yung mga tao, e dun pa naman sa direksyon na yun nagpunta si james, sana hindi sila nagpang-abot! dali-dali akong tumakbo

"g-go ka! ang kapal ng mukha mong angkinin ang bagay na hindi sayo!"  narinig kong sigaw ni james kaya naman mas napabilis ang takbo ko

"e ang torpe mo naman kasi, ayan tuloy naunahan ka ng iba" I gasped, sinuntok ni james si cloud kung hindi din naman nang-aasar itong si cloudio dapat hindi na sya tumatawa, hinawakan ni james si cloud sa kwelyo at dinuro-duro ito

"alam mo ba kung ano ang gusto kong gawin sayo? gusto kitang balian ng buto, yung siguradong hindi ka makikilala pero dahil alam kong magagalit sa akin si apple kapag ginawa ko yun, eto na lang muna" galit na sabi ni james kasabay ng  pagbigay ulit ng matinding suntok sa kanang pisngi ni cloud

lalapitan ko sana si cloud pero bigla na lang akong hinila ni james palabas ng gym, ano bang nangyayari?

Bakit pakiramdam ko ako ang may kasalanan? Ayokong magsimula ng conversation kay james kasi baka mamaya ay sa akin mabunton lahat ng galit nya, isinakay na nya ulit ako sa kotse nya, ayoko ng ganito

tumingin ako sa bintana at lalo akong na-guilty ng makita ko si cloud na nakatingin sa kotse ni james, hindi naman nya ako kita kasi nga tinted ang salamin ng kotse, may pasa sya sa kanang pisngi at black eye, ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi naman lumaban si cloud?

Does that mean na sya ang may kasalanan?

Tumingin ako sa unahan ng sasakyan at nainis ako because I saw Melody Suarez grinning from ear to ear, parang sinasabi nya na ako talaga ang may kasalanan

Kapag nakikita ko itong melody na ito parang palaging hindi gagawa ng maganda, pinaandar na ni james ang sasakyan

"I-uwi mo n-na ako" sabi ko sa kanya

"kakain pa tayo hindi ba?" But...

"Silly, huwag kang mag-alala, okay lang ako" and then he smiled

parang bumalik na ulit yung mood nya, ang bilis ah

"okay" sabi ko na lang, baka mamaya magalit sya sa akin at suntukin din ako,
ng makapagpark na sya at makapasok kami sa isang fastfood ay hindi muna agad kami umorder, fastfood lang naman, pareho pa lang naman kaming estudyante, mayaman man kami hindi naman namin pera yun kaya saka na kapag kami na mismo ang kumikita para sa sarili namin

"ah..pwedeng magtanong?" alanganin kong tanong sa kanya

"nagtatanong ka na" kahit kailan talaga, hindi mawawala ang ganyang ugali nya, napaka-arogante

"kasi, bakit mo ginawa yun?" 

"yung kay cloud? he deserve it" he said at hindi mo mababakas na nagsisisi sya sa ginawa nya

"bakit?" I continue asking

"sooner, malalaman mo rin, soon and not now!" he said

hindi ko na magawang awayin sya kasi ayaw nyang sabihin sa akin, Inisip ko na lang na baka ayaw nyang madamay ako sa away nila kasi alam nyang kaibigan ko na rin kahit papaano si cloud

Make him mine [Chasing the devious guy!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon