Secretly Married is now published in print

Summit Media, PopFiction | English

Available in bookstores and newsstands nationwide

287 pages come with a free bookmark

195php

 

Tweet us at

@SummitMedia_PH
@glimmerwattpad

______

Secretly Married Special Update 3 ^_^v

___

“Sige pa, ingatan niyo sila Kade at Psyche okay? Yung diapers paki-check palagi, yung likod baka basa ng pawis. Si Psyche mabilis po yun umiyak. Ha? Ipakarga niyo na lang po kay manang, alam niya na po kung paano ang gagawin… Yung formula sukat na yun nasa green na bag, yung mga pamunas nasa unang bulsa sa harap. Yung mittens po baka matanggal pakitingin din po ah…okay pa byebye! Kita-kita po mamaya.” Kausap ni Phoebe sa phone ang papa niya.

Puputulin niya na sana ang tawag ng may maalala siya.

“AY PAAAAAAAAAAAAAAAA!!!” abot langit ang sigaw niya. “Teka lang. Hello nandyan ka pa ba? Ayan pa. Yung ano.. yung ano po..” sumulyap siya kay Kent. “Yung ano po… yung gatas… may gatas po na nasa ref… yun na lang po muna yung ipainom niyo sa mga bata… opo pa, yun po kasi yung ano… gatas ko yun… ginamitan ko kanina ng breast pump…”

>///<

Nakita nyang natatawa-tawa si Kent sa gilid habang nagmamaneho.

“Opo pa, yun na lang muna bago yung formula ha? Bye.”

“Tawa-tawa ka diyan!?!!” sigaw niya kay Kent na kahit nananahimik, ay kitang kita naman ang mga mapangasar na mga ngiti.

“Wala…” nakangiti pa ring sabi ni Kent na nakatingin lang sa kalsada.

“Bakit natatawa ka nung nabanggit ko yung… yung breast pump?!!?”

“Di ako sa breast pump natatawa! Hahahaha!” hindi na lang ngiti ang ginawa ni Kent. Tumawa na rin ito ng medyo may kalakasan.

“I’m not laughing… Natutuwa lang ako sayo, bakit kailangan mong mahiya sa mga ganung bagay? Parang hindi naman kita tinuruan kung paano gamitin yun?”