Dedicated to Her. MikaelaSalayo Thankyou for texting me :)


STPG 1

Gino's POV

I don't describe myself, let them describe me.

"Gino, andito na sila Lester. Bilisan mo na dyan."

"Yes Ma."

 Tinitignan ko yung sarili ko sa salamin habang sinusuot yung Relo ko. Konting suklay at pabango pa.. Then *ting* Tapos na ko ^^. Sinukbit ko na lang yung Jacket ko sa balikat ko at bumaba na papuntang sala.

Pagbaba ko, naabutan ko sila JC, Lester at Seth nanunuod ng  Spongebob at kumakain ng Snacks. Mga isip bata e.

"Morning, tol." Bati nila saken.

Ngumiti lang ako. "Asan si Mama?"

"Lumabas sa may Garden niyo kasama si Ate  mo." Sagot ni Lester.

"Ahh.. E si Katsumi baket wala?"

"Anong wala ka dyan. Andun oh.." sabay nguso ni Seth sa Kitchen namin. "Dun dumiretso e, baka kumain na naman."

Iling iling lang akong pumunta ng kusina namin.. at ayun nga naabutan kong nakaupo sa may Stool nakain ng sandwich, may juice pa.

"Psst. Kats! Muka kang pagkaen no? Lika na, malate pa tayo."

Lumingon lang sha saken. "Oy tol! Andyan ka nap ala? Teka lang.." sabay subo ng sandwich at inom ng juice. "Lika na.."

Paglabas namin naabutan ko si Mama, kausap yung hardenero namen. "Ma.. Alis na kame." Singit ko.

"Ha? E teka, kumain na ba kayong lima?"

"Hindi po sila kumaen Tita." Singit ni Katsumi. "Pero ako po, kumain ako!" pagmamalaki nya.

Binatukan lang sha nila JC. "IKaw no tol! Kapal mo, grabe!" tapos tawanan.

Pati tuloy si Mama napatawa. "Hay nako ewan ko sa inyo.. Teka ikaw Gino, magpaalam ka sa Ate mo. Andunsa may Pool. Bilisan mo at malelate na kayo."

Dumiretso na ako sa Pool, naabutan ko si Ate nalangoy pa.  Kaya inantay ko shang umahon muna. Medyo may tampuhan kami ni Ate eh..tungkol sa paglipat ko ng School nila Julia.

"Oh, san ka punta?"

"Papaenroll." Sagot ko at tumango lang sha. "Sige na Ate magpapaalam lang naman ako sayo. Una na 'ko." Tapos nun naglakad na 'ko palayo.

"Gino.." tawag niya saken kaya napalingon ulit ako sa kanya. "Don't bring that Julia here, Okay? Sige na, you may go. Take care little brother." She threw a flying kiss at bumalik na sha sa pagsu swimming niya.

Haiy nako, Ate. Ano bang kaseng problema kay Julia e.

Dumiretso na ako sa Van ni Seth. Nagsimula ng magdrive si Seth at nagsimula na rin kaming magkwentuhan, naikwento ko na rin yung tungkol kay Ate at Julia. Badtriiip Tapos biglang may nagtext saken.

"Seth,  daan tayo sa pinsan ko."

"Ha? Kay Kiko? Baket?" tanong ni JC.

"Satin daw sha sasabay. Alam niyo naman bahay nun dba? Daanan naten."

Dumiretso muna kami sa bahay ni Kiko, pinsan ko para maisabay naming magpa enroll.  Pagrating namen sa bahay nila Kiko nakita namin sha nagaantay na sa labas ng bahay nila. Binuksan ni Lester yung isang pintuan at tinawag na si Kiko.