CHAPTER ONE -- My Childhood Fiancee

3.1K 42 2
                                    

Habang idinaraos ang birthday ni Yoko, napansin na lang bigla ng aunt niya na wala si Shou sa loob. "Ang kulit talaga ni Shou. Sabi ko saglit lang naman itong party, hindi pa siya makatiis." biglang nasabi niya.

Mamaya maya may mga batang nakakita na nasa may labas daw siya ng bahay. Pupuntahan na sana siya ng mom niya kaso pinigil siya ni Yoko. "Ako na lang po ang kakausap sa kanya."

"O-Okay sige." walang nagawa ang mom ni Shou. Pinuntahan na kagad ni Yoko si Shou sa may labas. Nakita niyang nagbabasa ito ng libro sa may fountain nila.

"S-SHOU!~" sinabi ni Yoko na parang nananakot. Wala naman epekto ito kay Shou dahil hindi siya matatakutin. Napatingin lang ito ng mabilisan kay Yoko at nagbasa na lang ulit.

Dahil wala na siyang maisip na pwede niyang gawin para mapansin ni Shou, umupo na lang ito katabi niya. 

"What do you want?"  biglang sabi ni Shou na hindi manlang tumingin kay Yoko.

"Hindi ko alam kung bakit ayaw mo makipagfriends sa ibang tao pero hindi naman tama na dito ka lang sa labas mag-isa." sabi ni Yoko sa kanya.

Tinignan niya si Shou pero hindi ata ito nakikinig sa kanya. "Sigh. Ang mga batang katulad mo, KINAIINISAN KO!!!!" biglang napasigaw si Yoko.

Tumayo si Yoko at paalis na sana ng biglang sinarado ni Shou ang libro niya at sinabi, "Pareho ka rin pala ng iba."

"Anong sinabi mo?" nabigla si Yoko sa sinabi ni Shou.

Tumayo si Shou sabay tumingin sa kanya. "Kung ayaw mo sakin, wag mo na lang akong kausapin at pakielaman." 

Tumayo na si Shou para lumipat sa ibang pwesto pero pinigil siya ni Yoko. "Teka."

"Ano na naman?"

"Gusto kaya kita."  biglang sabi ni Yoko. 

Nagulat si Shou sa sinabi ni Yoko at nagblush ito.

Hindi nila alam, yung ibang bata nasa likod ng fountain at nakikinig sa kanila. Nung narinig nila ito, bigla nalang sila inasar ng ibang mga bata.

"Shoutaro and Yoko sitting on a tree! K-I-S-S-I-N-G!!" 

Nainis si Shou lalo. "Ano ba?!" Kahit sumigaw na siya, at kahit anong inis niya, hindi parin napigil ang mga bata sa pang-aasar at pagkanta.

Bigla na lang may batang nagtanong sa kanila, "Yoko, boyfriend mo na ba si Shou?"

Natahimik silang lahat. Sasagot na sana si Yoko ng biglang sabi ni Shou, "Pano naman nangyare yun? Pshh. Kayong mga bata kayo puro ganyan ang iniisip ninyo."

Naisip ni Yoko na gawin itong joke. Ito na lang ang gagamitin ko para naman mag-iba na siya.

Kinuha ni Yoko ang kamay ni Shou tapos biglang kiniss siya sa cheeks. Namula naman kagad si Shou. "Tama ka. Boyfriend ko na si Shou. At akin lang siya ok ba? Hindi niyo siya pwedeng agawin sakin."

"A-ANO?!"

"Dahil boyfriend na kita, sasama ka na sakin sa loob ok ba?" Hinila na siya ni Yoko sa loob at tinuloy na nila ang party.

 ***

(sa picture yung time na tumayo si Shou pero pinigil ni Yoko...)

My Childhood Fiancee (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon