CHAPTER 15

70K 831 50
                                    

PRINCESS ZELLE'S POV

Bwisit na Xander yun naisahan pa ako?! Tuloy malilibre ko siya ng wala sa oras!

Arg!!! naaasar ako!!

"Zelly mukha mo lukot na lukot na" sabi ni Aya.

Nakasimangot pa rin ako.

"Huy, Zelly para kang timang anung sinisimangot-simangot mo jan?"

Tumingin ako sa likod kung saan nakaupo si Xander at ayun nakangisi kaya banas na banas ako!

Si Aya naman sinundan ng tingin yung tingin ko kaya ako nagroll eyes kay Xander.

"Aww. LQ?"

Tiningnan ko ng masama si Aya.

"Wala akong sinasabi" tapos tumingin siya sa ibang direksiyon.

Ako naman nanahimik lang sa isang tabi.

*UWIAN*

"Zelly hindi kita masasabayn pag-uwi ah?  Si Sam kasi eh"

"Okay lang Aya go kana baka naghihintay na yun"

Uwian na kasi at kami nalang dalawa ang naiwan sa classroom.

"Talaga okay lang? Sige Aya bye bye!!" tapos tumakbo na siya palabas.

Ako naman eh lumabas na rin kaso.....

"Tara na?"

O______O Bakit ang gwapo ni Xander?

ANO?!! erase erase!

Si Xander kasi eh nakasandal sa pader tapos nakapamulsa.

"Anong tara na?"

"Diba libre mo ako ng icecream?"

"Aish! oo na!"

Tapos sumabay na siya sa paglakad sa akin. Pumunta kami sa isang ice cream parlor.

"Anong flavor sayo?" tanong ko.

"Cookies and cream"

"Good, parehas naman pala tayo eh"

Kumuha ako ng half galon ng cookies and cream.

"T-teka, ako lang kakain niyan? Okay na sa akin yung cone" taranta niyang sabi.

SECRET HEIRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon